Chapter 28

141 9 2
                                    

Alexander Liam

"Dude tama na yan." tapik sakin ni Eugene.

"Kaya nga, kanina ka pa umiinom dyan. Hindi ka na nga nakakapasok sa company mo sige ka malulugi yun maghihirap ka!" dagdag naman ni Luke.

"Tignan mo nga yan itsura mo wasted na wasted. Yung beard mo ang kapal na pre para ka ng addict!" ngiwi na sabi naman ni Matt.

"Do you know what's my greatest mistake?" tanong ko sakanila at sumisinok sinok pa.

I'm so devastated, broken at hindi ko na alam ang direksyon ng buhay ko simula ng iwanan na niya ko ng tuluyan. I don't know but damn, hindi ko na alam kung pano pa mabuhay kung wala na siya sa tabi ko. Hindi ko na alam kung san ako huhugot ng lakas.

Hindi na ko pumapasok sa company ko halos mag iisang buwan na din. Ang gulo gulo ng bahay, nagkalat ang canned beer sa paligid. Ang gulo gulo na ng buhay ko.

"Halika ka na Alexander ihahatid ka na namin." akay sakin ni Redene pero nagpumiglas ako. At tinuloy ang paginom ko sa tequila. I'm not drunk, tipsy lang ako.

Humarap ako kay Luke at kunuwelyuhan ko ito. "Dude.. patayin niyo na lang.."

"Xander!" sita sakin ni Eugene.

"Sige na! Patayin niyo na lang ako!" sigaw ko pa.

"Kill me! Wala ng saysay ang buhay ko! Wala na si Andrea! Wala na siya..." at nagsimula nanaman tumulo ang luha.

Oh fuck. Sobrang mesirable ang buhay ko simula ng nawala siya sakin...

"Halika ka na iuuwi ka na namin." akay ulit nila sakin. Pero tumayo ako sa kinakaupuan ko pero hindi na ko makatayo ng maayos dahil medyo may tama na ko.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi ako babalikan ng asawa ko. Dito lang ako." pag mamatigas ko pa

"Bring her back to me!" sigaw ko.

Pero makulit nga sila dahil inakay nila ako papuntang parking lot ng bar, hindi na ko nakapiglas dahil nahihilo na din ako sa alak na ininom ko.

Pero bago yun. I puked. I laugh at umupo sa sahig ng parking lot. "Putcha!" I laugh but later on umiiyak nanaman ako.

"Tangina pre sakit! ang sakit sakit!" sabi ko habag umiiyak at hinahampas ang dibdib ko. Wasak na wasak na ko, hindi ko na alam kung pano ko pa bubuin ito dahil wala na yung nagkukumpleto sakin.

"Urghhh!!" tumayo ako at pinagsusuntok yung pader sa parking lot. Putangina kulang pa to sa lahat ng pang gago ko kay Andrea. Kulang pa tong sakit na to sa lahat ng pinaranas ko sakanya.

"Tama na Xander!" awat nila sakin pero hindi ako nagpatinag.

Maya maya pa pilit akong hinarap ni Redene sakanya at malakas na sinuntok ako na mas lalong nakapag pahilo sakin. I smirked. Fuck! I deserve that punch.

"It's your fault kung bakit nawala sayo ang asawa mo and now magsisi ka dahil hindi mo siya pinahalagaan!" sigaw ni Redene sakin sabay walk out.

Oh yeah, I think I deserve that too. Mukhang mawawalan pa ko ng kaibigan ah. Nawalan na nga ko ng asawa pati ba naman kaibigan.

Nanatiling naka tingin sakin ang tatlo kong kaibigan. Pero ngumiti lang ako sakanila na puno ng pait at lungkot.

"Uwi na ko." paalam ko sakanila at nagtungo papuntang kotse ko.

"Dude lasing ka. Kami na maghahatid sayo." awat ulit ni Eugene.

Umiling na lang ako. "Kaya ko na sarili ko." paalam ko at pagewang gewang akong nagpatuloy maglakad patungong kotse ko.

Nang makasakay ako ng kotse. I started my engine pero bago ako tuluyan umalis, huminto muna ako at binaba ang salamin ng kotse at nakita ko pa din ang tatlo kong kaibigan na naka tingin sakin.

"Tell Redene thanks." huli kong sinabi at pinatakbo ng mabilis ang kotse ko palabas ng bar.

Maayos naman akong nakarating sa bahay namin agad akong binalot ng kalungkutan ng pumasok ako. Sana pala binangga ko na lang yung kotse ko kasi gustong gusto ko ng mamatay.
Kumuha ako ng canned beer sa ref at ininom ito.

Pagewang gewang akong umakyat sa kwarto namin ni Andrea at binuksan ko ang ilaw. Our pictures and our memories was scattered on the floor. Pati na din ang tv ay naka bukas dahi pinapanood ko ang videos namin together.

Yung pagtravel namin sa iba't-ibang bansa, yung hindi niya alam na pag video ko samin dati. Yung ultimo pagkiss namin dati nirerecord ko pa at icocompile. Since college kami ginagawa ko na ito ng hindi niya alam balak ko sanang iregalo sakanya tong videos namin sa 10th anniversary namin. Kaso wala na eh.

Sumalampak ako sa sahig at tinignan ang mga naka kalat na pictures sa sahig yung stolen shot niya na naka ngiti siya, habang natutulog siya, habang kumakain. Lahat. I captured our memories together.

Nararamdaman ko nanaman ang sarili kong umiiyak habang tinitignan ang mga litrato niya, humiga ako sa sahig at hinalikan ko ang litrato niya.

Sana man lang kahit sa pictures nahahalikan ko pa siya. I miss her lips so much. I miss every inch of her. Damn it! I miss her very much. Pero wala akong magawa.

"Andrea. Balik ka na please." pakiusap ko sa litrato na para bang naririnig niya ito. Tumulo ng malaya ang luha ko.

"Look at me now. Wala ng direksyon ang buhay ko. Wala ng kulay." mapait akong tumawa.

"Puta! Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita." dagdag ko pa. At hinalikan ang litrato niya bago ako makatulog.





I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon