Andrea Danae
Malungkot akong nakatitig sa wedding picture namin ni Xander na naka sabit sa kwarto namin. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Kami na ni Xander since we were highschool at saktong pagtapos namin ng college we got married. Yes, kinasal kami at the very young age exactly 20 years old, wala naman naging problema kasi pareho naman magka sundo ang mga magulang namin besides business partners sila, kahit pa nung bata kami ni Alexander.
Everything went smooth since we got married, 3 taon na nga kaming kasal at walang problema ang hindi namin nasosolusyunan. Ngayon lang talaga kami naging ganto, napangiti ako ng mapait dahil halos mag iisang buwan na kami ganto ni Xander. Uuwi ng lasing, hindi niya ko kinakausap, hindi na niya kinakain yung mga pagkain na niluluto ko para sakanya. Minsan nga hindi pa umuuwi ng bahay kapag tinatawagan ko naman hindi niya sinasagot minsan naka patay pa yung phone niya.
Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing kakausapin ko siya hindi niya ko kinikibo minsan naman, nakasigaw at naka angil sakin. Ano na bang gagawin ko?
Pero hindi naman ako basta basta susuko lang diba, kaya namin to. Alam ko mahal na mahal namin ang isa't-isa at alam ko kailangan pa niya ng time makapagisip, he still need time at space at willing ko naman ibigay sakanya yun. Alam ko naman na mahirap talaga tanggapin it takes time. Kahit nga ako hindi ko pa tanggap na I can't bear a child pero anong magagawa ko hindi ba? Kailangan kong tanggapin yung katotohanan.
Pasado ala una na ng madaling araw at wala pa rin si Alexander, tinatawagan ko ang phone niya pero laging...
"The subscriber cannot be reached." ayan lang ang paulit ulit na sumasagot sakin.
I sighed kailangan ko pa ng mahabang patience dapat ako ang umiintindi ngayon dahil ako ang may kasalanan kung bakit kami nagka ganto.
Nag antay pa ko ng ilang oras at may narinig akong nagsara ng pintuan sa baba I'm sure si Xander yun dahil imposible naman na magnanakaw yun dahil mahigpit ang security ng executive village. Pero may iba pa kong naririnig.
Hagikgik ng babae...
Tama ba ang naririnig ko? Isang tawa ng babae?
Hindi baka nababaliw lang ako, hindi naman siguro magagawa ni Xander ang mambabae at iuuwi pa dito sa bahay namin dito. Alam kong galit siya pero kahit kailan alam kong di niya magagawa sakin yun.
Dali dali akong bumaba ng hagdanan at napatigil na lang ako ng may nakita akong kakaiba. I closed my fist, dahil sobra sobra na ang nakikita ko.
I can't take this any longer kaya patakbo akong bumaba at dali daling pumunta sa sofa agad kong hinila yung buhok ng babae na nakapaibabaw kay Xander.
Tama babae! Napaka walang hiya nila!!! Dito pa talaga sa mismong bahay namin!!
"Ouch!!" maarteng tili ng babae. Natumba siya sa sahig.
Serves her right!! Dapat lang yan sa mga babaeng malalanding higad na pumapatol pa sa may asawa!!
Dahil sa sobrang gigil at galit ko, pumaibabaw ako sakanya at pinagsasampal sampal ko siya.
"Hayop kang babae ka!!" gigil na gigil sabi ko sakanya.
"Nakuha mo pa talagang pumatol sa may asawa at landiin pa!!! Dito pa talaga sa mismong bahay namin!! Hayop ka papatayin kita!!!" galit na galit na sigaw ko sakanya.
Akmang sasampalin ko na sana siya ulit ng may kamay na pumigil sakin. At walang iba kung di ang magaling kong asawa.
"Fuck! Stop it Andrea!!" sigaw niya sakin at pinaalis ako sa ibabaw ng makapal na mukha ng babae niya!
Mas lalong humigpit ang pagtiklop ng mga kamao ko, ngayon lang ako nagalit ng ganito sa buong buhay ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay ang babaeng yan!!
Sumugod ulit ako sakanila at hinarang ako ng asawa ko, tumingin siya sakin ng matalim pero wala akong pakialam dahil galit na galit ako!!
"I said stop it Andrea!!" he shouted, pero hindi ako nagpatinag hinila ko pa rin yung buhok ng babae pero agad namang umawat si Xander.
*PAK* *PAK*
He slapped me hard at kasabay nun ang pag agos ng mga luha ko dahil sa halong halong sakit na nararamdaman ko isa dahil sa sampal na kahit kailangan ngayon niya lang ako pinagbuhatan ng kamay niya. At pangalawa dahil sa sakit na emosyonal, para akong tinutusok ng mga bilyong na karayom sa puso ko para akong nag aagaw buhay... I silently cry dahil wala akong magawa... kasi ang sakit sakit na
Hindi ko namalayan na naihatid na pala niya yung babae niya sa labas ng bahay namin nakita ko na lang siya na pinupulot niya yung long sleeves niya sa sahig.
"P-paano... mo nagagawa sakin to ha?" hikbi kong tanong sakanya.
Pero tinitigan niya lang ako na parang wala siyang pakialam sakin, naglakad siya at nagtungo sa hagdanan paakyat ng kwarto namin pero hindi ako nagpatalo sinundan ko siya.
"Bakit, Xander ha? Bakit? Ano bang pagkukulang ko sayo?"
Napatigil siya at humarap sakin pero hindi ko siya mabasa, walang emosyon akong makita sa mga mata niya na dati kumikislap kislap lagka nakikita niya ko. Wala na... wala na yun.
Tinitigan niya lang ako habang patuloy tumutulo ang mga luha ko. Awang awa ako sa sarili ko pero ni kahit na awa wala akong nakita sa mga mata niya...
Tumalikod na ulit siya, mariin akong napapikit "Sagutin mo ko! Bakit?!" sigaw ko habang umiiyak
Lumingon ulit siya sakin pero wala pa ding emosyon. "You wanna know why?" ramdam ko ang lamig ng boses niya.
I nodded my head upside down, dahil hindi na ko makapag salita pa kasi ang sakit sakit na... para akong pinapatay ng onti onti.
"Dahil hindi mo ko mabigyan ng anak!" he shouted at para akong sinaksak sa puso dahil sa sagot niya.
Nanghihina akong napaupo sa sahig at napahagulgol na lang dahil ko maipaliwanag yung sakit dahil sobra sobra na...
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...