Chapter 5

124 8 1
                                    

Andrea Danae

Nangangalay ang leeg ko ng magising ako ngayon umaga, pasado ala sais na pala ng umaga. Hindi ko namalayan na dito na pala ko nakatulog sa sofa, dahil kaka antay kay Xander na umuwi agad akong bumangon dahil bigla kong naalala si Xander. Umuwi kaya siya? Nagmamadaling tumakbo ako papuntang kusina. Umaasang umuwi si Xander at kinain niya yung hinain kong pagkain para sakanya.

Malungkot ako napatingin sa nakatakip na ulam, andun pa rin sa dining table. Hindi nanaman siguro umuwi si Xander baka sa penthouse nanaman ito natulog. Binuksan ko ang naka takip na ulam at agad napangiwi dahil sa amoy nito. Pero may hinahanap pa ko, asan yung note na sinulat ko kagabi? Hindi kaya lumipad ito? Pero napaka imposible naman.

Nakakapang hinayang man na itapon ito. Wala naman akong magagawa kung di ang itapon na lang ito sa basurahan pero napatigil ako sa pagtapon ng ulam ng may nakita akong papel na lukot lukot at pagka pulot ko sa basurahan nito eto yung note na sinulat ko kagabi para kay Xander. So ibigsabihin umuwi siya kagabi?

Napalingon ako sa gawi ng sala dahil may tumatawag sa telepono. Tumakbo ulit ako papuntang sala.

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya

"Anak. Ang Mama Elizabeth mo to."

"Ay ma! Napatawag po kayo?" si Mama Elizabeth ang mommy ni Xander.

"Namimiss na namin kayong mag asawa hindi na kayo dumadalaw dito sa bahay." malungkot ang pagkakasabi nito.

"Nako Ma, b-busy kasi si Xander sa trabaho ngayon kaya hindi kami maka dalaw." pag sisinungaling ko. Ayoko man gawin pero kailangan dahil ayokong mag alala sila samin dalawa ni Xander.

"Ganun ba kahit weekends busy siya? Day off naman niya ngayon dahil sabado. Pumunta kayo dito at sabay sabay tayong mag lunch."

"Sige po sasabihin ko po kay Xander." sagot ko rito

"Oh sige aantayin namin kayo dito ha?" magiliw na sabi nito.

"Sige po Ma."

"Kasama din sila balae anak." masaya at excited na pagkaka sabi nito sa kabilang linya.

Pano ko sasabihin na hindi umuwi kagabi si Xander? Besides gustong gusto ko din makasama sila Mama pati na din ang mga magulang ko dahil miss na miss ko na ang mga ito.

"Sige po Ma sasasabihin ko po kay Xander. Miss ko na po kayo dyan." malungkot ang tugon ko rito.

"Miss na din namin kayo, kaya pumunta kayo rito ha? Aasahan namin kayo." sabi nito mula da kabilang linya.

"Okay naman kayong mag asawa hindi ba?" dagdag tanong ni Mommy.

Napapikit ako ng mariin sa tanong na yun, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong sabihin na hindi kami okay ni Xander pero ayoko naman na mag alala sila. Parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapag salita, hindi ko masagot yung tanong.

"Anak? Hello? Andyan ka pa ba?"

Tumikhim ako bago sumagot. "O-po Ma, okay po kami wag po kayong mag alala." sana hindi niya ramdam na hindi totoo ang mga sinasabi ko na puro kasinungalingan lang lahat ng sinasabi ko.

"Mabuti naman. Oh siya anak ibaba ko na ang telepono ha? Magluluto na ko para sa lunch natin." pag papaalam nito.

"Okay po Ma, bye." huli kong sabi bago ibaba ang telepono.

"Bakit mo sinabi na pupunta tayo?" malamig ang tono ng boses nito. Napalingon ako rito at nakita kong nakatayo malapit sakin si Xander.

Umuwi pala siya kagabi, siya siguro naglukot ng papel na sinulat ko para sakanya. Hindi ko man lang nalamalayan na nakatayo pala siya malapit sakin.

"Dahil miss na miss na daw tayo nila Mommy." sagot ko

"Hindi tayo pupunta dun."

"Bakit hindi?" matapang ang tono ko rito.

"Dahil ayoko!"

"Kung ikaw ayaw mong makita ang mga magulang mo pwes ako gustong gusto ko dahil miss na miss ko na sila." taas noong naka tingin pa rin ako sakanya. Pero yung luha ko nagbabadya nanaman tumulo.

"Fine! Pumunta ka magisa dun!" tinalikuran ako nitoat umakyat ulit sa kwarto.

I sighed ang aga aga nagtatalo nanaman kami. Miss na miss ko na yung dating kami...

Naglinis lang ako ng bahay namin at tsaka maghahanda na para sa lunch na gaganapin sa bahay nila Xander. Pagka pasok ko sa kwarto namin nakita ko si Xander na naka higa sa kama at nanonood ng tv. Hindi ko na lang ito pinansan dahil siguro akong magtatalo nanaman kaming mag asawa. Pumasok na ko ng banyo at tsaka nag simula maligo.

After 1 hour lumabas na ko sa banyo na naka tapis lang ng tuwalya nakita ko si Xander na naka bihis at bagong ligo na nakaupo sa kama. He's wearing a white polo and a blue pants na naka tupi with a pair of black espadrilles and a.gold watch.

Nagtataka akong tumingin rito. Bakit nakabihis ito?

Tumingin ito sakin. "I'm coming with you."

"Akala ko ba ayaw mo sumama?" excitement was written on my face.

"Alam nila Mommy na okay tayo diba? Magtataka sila kapag hindi ako sumama." malamig man ang pagkaka sabi nito napangiti pa rin ako.

"Okay, magbibihis lang ako." naka ngiti kong sambit rito at dumiretso agad sa walk in closet namin.

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko habang namimili ng susuotin. I chose blouse and a short-shorts tapos flat shoes nagsuot lang ako ng relo na kagaya ng kay Xander. Couple watch kasi ito binili namin to sa NYC nung 1st anniversary namin bilang mag asawa. Tapos nag spray ng D&G na pabango sponsor kasi ako nito dahil dati ito ang ineendorse ko pero kahit tumigil na ko sa modeling may sponsor pa rin ng isang box ng pabango ng D&G every month.

Lumabas na ko at nakita ko si Xander na nag aantay pa rin.

Nginitian ko siya. "Tara na." yaya ko rito.

Hindi naman niya ito pinansin at nauna na itong bumaba. I can't help but smile, excited na ko dahil matagal tagal din kaming hindi nakaka punta sa family gathering namin. Miss na miss ko na kasi sila Mommy at ang mga magulang ni Xander. They welcomed me with wide arms kaya mahal na mahal ko sila.

Kinuha ko ang bag ko pero bago yan nag selfie muna ako! At pinost ito sa Instagram miss na miss na daw kasi ako ng mga fans ko. Kaya ayan para sakanila.

I captioned "Off to Anderson's family gathering."








I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon