Chapter 16

167 9 2
                                    

Andrea Danae

"Goodmorning Mom." bati ko kay Mommy na nasa kitchen habang nagluluto.

"Goodmorning princess, ang aga mo atang nagising ngayon?" sabi nito habang naghihiwa ng karne.

"Sakto lang po Ma." sagot ko.

"Teka anak ha? Nagluluto ako." sabi nito.

"Uhmm Ma, pwede po ba tayong magusap?" nag hehesitate ko pang sabi.

Napalingon ito at tumango, nagpunta kami ng garden at umupo sa may bench dun. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Mommy pero alam ko na dapat.

"Ma..." hesitation was written on my voice.

"May problema ba anak?" tanong nito.

Dahil hindi ko alam kung pano sasagutin ito. I nodded my head at yung luha ko namumuo nanaman sa mga mata ko.

"Anong problema?" tanong ulit nito.

"H-hindi na po kami nagkakaintindihan ni Xander." at yung luha ko nagbabadya ng tumulo pero gusto kong pigilan.

"Hmmm?" nakikinig lang ito sakin.

"Gusto niya na pong makipaghiwalay sakin." at dun na mismo pumatak yung luha ko, sobrang sakit kasi..

"Alam ko." sagot ni Mommy.

Napalingon naman ako dito ng nagtataka. "Pa-paano?" naguguluhan kong tanong.

"That night nung nag aaway kayo. Pumunta kami nila balae sa bahay niyo para sana bisitahin kayo. Kaso mukhang nagtatalo kayo at narinig nga namin na gusto ng makipag hiwalay ni Xander." humarap ito sakin at ngumiti pero hindi umabot sa mga mata niya.

"Dahil hindi kayo pwedeng magka anak hindi ba? Kaya siya makikipaghiwalay?" dagdag na tanong nito.

Tango lang ang sinagot ko at tahimik na umiyak dun. Pero bigla na lang akong niyakap ni Mommy at dun ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I guess this pain will be forever.

"Everything's goona be alright anak, you need to let go..."

Ito na ba talaga? Kailangan ko na ba talagang bitawan si Xander? Pero iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya. Parang tinatanggalan na ko ng buhay.

"There's this quote saying 'sometimes holding on does more damage than letting go.'" sabi pa nito.

"Parang hindi ko kaya Ma..." umiiyak kong sabi.

"Shhh. Kaya mo, kakayanin mo." she cupped my face at pinahid yung mga luha sa mga mata ko.

Umiyak ulit ako ng umiyak. Wala talagang tatalo sa yakap at pag comfort ng isang ina. Kaya medyo gumaan ng ang loob ko.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon