Chapter 37

119 6 5
                                    

Andrea Danae

"Bakit naman kayo pumayag ss set up ni Alexander?!" inis na inis kong sabi.

Paano naman. Nalaman kong pati pala mga kaibigan at magulang ko kasama sa plano ni Alexander.

"Eh kasi Ands... naawa naman kami dun kay Xander." paliwanag pa ni Bob.

"Wow ha! Hindi man lang kayo nag aalala sakin dun?!" singhal ko sakanila.

"Hindi!" sabay sabay nilang sabi.

"Urgh!!" sa sobrang inis ko napasabunot na lang ako sa buhok ko.

"Andrea, hindi naman siguro masamang magbigay ng chance sa asawa mo." singit ni Mommy.

"Ma! Sinaktan ako nun! I suffered a lot." sagot ko.

"I know. We know." sagot pa ni Mommy

"Then why do you keep on pushing na bigyan ko ng chance yung tao." irita kong sabi.

"He suffered a lot too Ands." sagot ni Agnes sakin at bumuntong hininga.

"Pero mas grabe ang pinagdaanan ko sakanya. I was in deep pain that time." malungkot kong sabi.

"He was too." dagdag ni George.

What the?!

"So mas kinakampihan niyo na siya?!" inis na sabi ko.

"Hindi sa ganun Ands. Don't you think na enough na lahat? Come on it's been years." Bob said.

"It's not enough okay?!" sigaw ko.

"Ands listen to us okay?" Mom said.

"He suffered a lot anak. He was so devastated nung nacoma ka. Pati na rin nung umalis ka ng bansa anak. Lagi siyang umiiyak. Aging nakatulala. Puro alak ang laman ng tyan niya, ni hindi na nga siya pumapasok sa company. At muntik ng malugi yung isang branch nila dahil dun. He even followed you sa Paris. Pati fashion show mo patago niyang pinapanood basta makita ka lang." Mom added.

"No matter what you said. It will not change my mind Ma." malamig na tugon ko.

"Kasi, ayoko na at napagod na kong lumaban." I walked out at dali daling pumasok sa kwarto ko.

I don't know why kung bakit ako naging ganito. I became heartless and numb.

Maya maya pa naramdaman kong tumutulo na yung luha ko dahil nakaka pagod din palang mag panggap na hindi ko na siya mahal at wala na kong pake.

Pero deep inside nung nasa yate kami. I wanted to hug him, I wanted to wipe his tears and tell him na okay na kami, na mahal ko pa din siya. Pero damn.

I am so afraid.

Takot ako na baka pagka bumalik ulit ako sakanya baka mangyari nanaman sakin lahat ng pang gago niya.

Ayoko na kasing masaktan pa dahil siguro kapag nasaktan ulit ako hindi ko na alam kung pano pa babangon at magsisimula ulit.

Tama na yung sinira ko yung sarili ko dahil sa pagmamahal ko sakanya, tama na lahat ng sakit na naramdaman ko.

Kasi nakaka pagod ng lumaban sa mga bagay na alam mong sakit lang ang maidudulot sayo kapag nagpatuloy ka pa.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon