Chapter 23

129 8 0
                                    

Alexander Liam

Nanginginig akong naglalakad patungo sa ICU, para puntahan si Andrea. Nanghihina ako hindi ko alam kung tutuloy pa ba ko o hindi na lang dahil hindi ko kakayanin.

"Ma, goodmorning po." yakap ko sa Mommy ni Andrea, halatang wala pa itong tulog.

"Xander, buti naman naisipan mo ng pumunta rito." matamlay itong ngumiti sakin at niyakap ako pabalik.

"Ma.. sorry po.." nanginginig kong sabi.

"Shhh.. walang dapat sisihin dito anak.." pag aalo niya sakin.

"It's may fault.." tumulo ang luha ko.

Kumalas ito sa pagkaka yakap sakin at hinawakan ako sa mukha, pinunasan niya yung mukha ko.

"Xander anak... don't blame yourself." mahinang sabi niya sakin.

I can't help it, hindi ko kaya. Kasi alam kong ako ang may kasalanan ng lahat.

"Puntahan mo na siya Xander ikaw ang kailangan ni Andrea dun."

I nodded. Nangangatog ang mga binti ko habang nilalakad ko patungong ICU. Ng naka pasok ako ng maayos tinignan ko ang asawa ko na madaming apparato ang naka kabit... mas lalo akong nanghina. Namumuo na yung luha ko sa mga mata ko ramdam kong umiinit ang gilid ng mata ko. Ng lumapit ako sakanya, nakita ko ko ang malalaking pasa niya sa braso lalo na sa maganda mukha ng asawa ko.

What have I done?

Umupo ako sa upuan na nasa gilid nito. Dahan dahan kong hinawakan ang kamay nito ng nanginginig pa.

"H-hey.." basag ang boses ko at tumulo na ng tuluyan ang aking luha..

Yumugyog ang balikat ko at mahihinang hikbi ang kumawala sa bibig ko. Maya maya pa lumakas na ang hagulgol ko, ang sakit...

"I'm.. i'm so sorry..." my heart is tearing up inside... piece by piece. Mas lalo akong nawasak nung nakita ko siyang nasa ganyan na kalagayan.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "A-alam ko naririnig mo ko Andrea... patawarin mo ko, I'm sorry kasalanan ko l-lahat.. kasa..kasalanan ko kung bakit nasa ganto kang kalagayan..." umiiyak kong sabi sa asawa ko.

"Please forgive me.. sa pagkaka maling nagawa ko Hon..." mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkahawak ko sa kamay niya.

"Wala akong magawa eh.. wala. Kasi wala akong kwentang asawa." I laughed sarcastically pero yung luha ko patuloy pa rin sa pag agos.

"Sana Ands.. sana hon ako na lang yung nahihirapan. Sana pwede kong kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon..." iyak ko pa.

"Kasi.. you don't deserve it... akin yan dapat eh! Ako dapat yung andyan!" tuloy pa din ako sa pagiyak ko sa harapan niya.

"Ang gago ko.. ang gago-gago ko eh... kasi sinaktan kita.." nang hihina kong sabi sakanya.

"Mahal na mahal kita, please... wag kang bibitaw. Wag mo kong iwanan dahil... dahil hindi ko kaya... hindi ko kayang mawala ka sakin eh. Ayoko please." dagdag ko pa

"Wala na ko kung mawawala ka.." hanggang ngayon umiiyak pa rin ako.

"Tangina!!" hagulgol ko. "Mahal kita... sobra.."

"I'm s-sorry... i'm so sorry.."

Nanginginig ang aking kamay ng humawak ako sa tyan niya. "Sorry din anak, patawarin mo ko.." kinausap ko ito na para bang nasa loob pa rin siya ng tyan ni Andrea.

"Patawarin mo ko dahil hindi kita na aalagaan nung panahon na nasa loob ka pa ng tyan ng Mommy mo. Ngayon na nawala ka na.. mas hindi ko kakayanin na mawala ang mommy mo sa buhay ko.."

"She's my whole world, she's my whole life.. mahal na mahal ko siya."

"Kaya kausapin mo naman si Lord anak oh.. alam kong mas malapit ka sakanya ngayon.. please tell Him na wag niyang kukunin sakin ang Mommy mo dahil hindi ko kaya." umaagos pa rin ang luha ko.

Tinignan ko si Andrea at hinalikan ang kamay niya. Tumulo na din dito yung luha ko sa kamay niya at hinalikan ko ito.

"Please Andrea.. don't give up. Fight for yourself.. dahil mas hindi ko kakayanin na mawala ka sakin habang buhay..mas pipiliin ko pa na malayo ka sakin kesa ang mawala ka. Iniisip ko pa lang para na kong tinatanggalan ng buhay eh..para na akong pinapatay kapag nawala ka.. hindi ko kakayanin."

"Please fight..." nanghihina kong bulong sakanya, habang umiiyak ako. Tinignan ko siya at nakita ko na may luhang kumawala sa mga mata niya.

Lalo pa akong napaiyak. "Mahal na mahal kita.."

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon