Chapter 19

157 9 2
                                    

Alexander Liam

"Baby asan ka kagabi? Umuwi ako dito sa condo mo pero wala ka naman! Nakakapagod sa shooting." sabi ni Margaret.

Hindi ko to inimik bagkus nakatulala lang ako at wala sa sarili ko simula kagabi pagkauwi ko, hindi naman din ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Andrea.

"Ang dami naman cans ng beer dito Xander! Ano bang pinag gagawa mo?" tanong nito at lumabas na sa kusina.

Nanatili pa rin akong tahimik. At hindi ito iniimik. "Alam mo naman na hindi ako marunong maglinis eh tas nagkalat ka pa dito sa condo Xander!" pasigaw at may halong inis ang boses nito.

"Ano?! Hindi ka magsasalita dyan?" sigaw pa niya ulit.

Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa kakasigaw niya. "Margaret, please could you stop?" naka kunot noo kong sabi.

"Why would I?" pagmamatigas pa niya.

"Pagod ako.. kaya please manahimik ka muna." sabi ko.

"Pagod?! Bakit san ka ba galing?!" pasigaw na tanong niya.

Hindi ko ito inimik at pumunta sa kusina para kumuha ulit ng can beer sa ref, sinundan naman ako nito.

"Bat hindi mo sagutin yung tanong ko Xander?! Ano?!!" sigaw pa niya.

Hindi ko ito pinansin at sumandal na lang sa lababo at patuloy na uminom ng beer.

Tinapik niya yung beer na iniinom ko kaya natapon ito sa sahig, kumunot naman ang noo ko ulit dahil naiinis na ko.

"Ano bang problema mo Margaret?!" singhal ko sakanya.

"Saan ka galing kagabi?" tanong niya na may halong diin.

"Bakit ba gusto mong malaman ha?" sigaw ko sakanya.

"Dahil girlfriend mo ako Xander!" sagot niya.

"Girlfriend lang kita don't act as if you're my wife cause that will never happen!" sigaw ko ulit sakanya.

"How could you!" sampal niya sakin.

Tinalikuran ko na siya at nagtungo ulit sa living room, umupo ako dun sa sofa. I wanted to get rid of her right now. She's so irritating. Fuck.

"Ano siya na ba ulit? Si Andrea nanaman ba?!" sigaw na tanong niya sakin mula sa likuran ko.

Napapikit ako ng mariin. Gusto kong sagutin yung tanong niya, gusto kong sabihin na after all this time si Andrea naman talaga, siya pa rin pala. Siya pa rin yung mahal ko kahit anong mangyari. I was too blind to see because of my anger and this god damn pride and ego. I only realized kung kailan huli na ang lahat. I'm still fucking inlove with Andrea at hindi yun mababago, kahit kailan.

"Bakit hindi ka sumasagot?!" taas baba ang dibdib nito dahil sa galit.

Tumayo ako para sagutin ang tanong niya. "Paano kung sabihin ko sayo na kahit kailan si Andrea naman talaga! Mananahimik ka ba?!" you've pushed me into my limit.

"Oh diba hindi!" sabi ko pa.

Sinampal ulit ako nito at ng madaming beses pa. Pero not this time again dahil pinigilan ko na siya. "Leave." I said, with gritted teeth.

"Umalis ka na." dagdag ko pa na may halong diin.

"I said leave!!!" sigaw ko.

Kinuha nito ang bag nito pero bago umalis ito. "You will regret this." at tuluyan ng umalis at padabog na sinira ang pinto.

I won't regret it. I won't.

Napaupo ulit ako sa sofa at napahilamos sa mukha ko.

Biggest regret in my life?

I hurted the girl that I love the most. Yung babaeng handang ibigay ang lahat saakin, kasi mahal na mahal niya ko... pero sinayang ko yun.

Malayang tumulo ang luha ko sa mga mata ko. I'm fucking hurt. I'm so fucking stupid for letting her go...

I only can say is "I'm sorry."

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon