Chapter 20

168 9 1
                                    

Alexander Liam

"Dude, kanina ka pa andito. Hindi mo ba dadalawin si Ands?" tanong sakin ni Eugene.

Napalingon ako rito, kasalukuyan akong nasa bar ni Luke. I want to get wasted. I want to forget about this pain, just this night.

"I'm afraid..." pag amin ko. Namumuo nanaman ang luha ko.

"Of what?" tanong ulit nito.

"Natatakot akong makita siya na nasa ganun na kalagayan. It was my fault kung bakit siya na nasa ganun na kalagayan." sabi ko.

"It was not your fault.. it was an accident." pagsabi nito.

Tumulo nanaman ng malaya ang luha ko. It breaks me.

"S-sobra na kong nagsisi, it haunts me Euge. It kills me knowing that na nag aagaw buhay siya.." pag iyak ko kay Eugene.

Hinawakan naman nito ang balikat ko. "Ang sakit..." bulong ko pa.

"Tama nga yung sinabi mo Eugene. Nagsisi na ko sobra sobra.." dagdag ko.

Hindi na ito umimik patuloy pa rin siya sa pakikinig sakin. Iniyak ko lang lahat. Kasi wala akong magawa. Sinisisi ko ang sarili ko.

Nang matapos akong uminom, dumiretso ako sa bahay namin ni Andrea. Pagka pasok ko nakakabinging katahimikan ang sumalubong sakin. Pumikit ako ng mariin dahil naalala ko yung masasayang alaala namin ni Andrea dito sa bahay namin. Nanghihina akong napaupo sa sofa at tumingin sa pader kung san nakasabit ang wedding picture namin, malungkot akong ngumiti. Ako ang dahilan kung bakit nasira yung masayang pagsasamahan namin ni Andrea.

Habang tinitigan ko yung picture kung san masayang nakangiti si Andrea para akong sinasaksak sa puso ng paulit ulit, ang sakit. Kasi ako nagtanggal nung masasayang ngiti niya sa labi niya. Ako yung dahilan kung bakit siya umiiyak gabi gabi.

Ako yung dahilan kung bakit nandun siya sa hospital at nag aagaw buhay. Ako yung dahilan kung bakit namatay yung anak namin... ako din pala yung sumira ng sarili kong pangarap na magkaroon ng isang masayang pamilya...

Naramdaman ko na lang na yumuyugyog na yung balikat ko parang sinaksak yung puso ng paulit ulit... wala akong ginawa kung di ang umiyak na lang.

Habang tumutulo yung luha ko napagisipan kong pumunta ng kwarto namin. Nang pumasok ako nanghihinang napaupo ako sa lapag at sumandal sa pinto. Napahilamos ako sa mukha ko.

"Fuck.." sabi ko at umiyak lang ng umiyak dun.

Hanggang kailan kaya umiiyak si Andrea sa tuwing hindi ako uuwi ng bahay? Siya nagluluksa habang ako nagpapakasaya at hindi siya iniisip.

Dahil gusto kong balikan yung masasayang alaala namin tumayo ako at sinalang sa dvd yung cd ng kasal namin.

Paminsan minsan tumatawa ako, para akong baliw.

Mababaliw talaga ko nawala sakin si Andrea. Humiga ako sa kama at hinayaan kong lamunin ako ng kalungkutan ko..

"I miss you so much hon." nagsusumaamo kong sabi.

I rolled up into bed at pumikit ng mariin naamoy ko si Andrea. Niyakap ko ang unan niya ng mahigpit at inamoy amoy pa ito. Mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila kay Andrea.

Nabasa ng luha ko yung unan ni Andrea mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkayap dito. Iniisip ko na si Andrea yun. Gusto kong sabihin na hindi ko na siya mapakawalan pa at papaiyakin pa. I will make it right this time lahat ng pagkakamali ko. Gusto kong sabihin na sobra na kong nagsisi. Pero huli na ang lahat..

Para akong nawalan ng buhay simula nung mangyari yun kay Andrea. I might be weak pero hagulgol ko lang ang narinig sa buong silid. I feel so helpless...

"I love you so much hon." hikbi kong sabi

Nakatulog ako habang umiiyak at yakap ng sobrang higpit yung unan ni Andrea.

A/N : Hiii Guys! I will be working for my second story. The title is Dear Mr. Paasa. Sana subaybayan niyo din kagaya ng pagbabasa niyo sa story kong ito. My second story will be posted soon! Thank youuu :))

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon