Andrea Danae
"What the?!" gulat kong sabi pagka bukas ko ng pinto.
Nakita kong natutulog si Xander sa tapat ng pinto ng condo unit ko at halatang hindi pa ito umuuwi kasi suot pa din niya ang pang office attire niya kagabi.
Minulat niya ang isang mata niya at nag aadjust pa sa liwanag, maya maya pa ng makita niya ko agad siyang tumayo at ngumiti sakin pero inirapan ko lang siya.
"Goodmorning Hon." magiliw na bati niya sakin.
It's 4am in the morning at balak ko sanang mag jogging ngayon pero nasira na ata ang araw ko dahil nakita ko siya. Hindi ko pinansin ang pag bati niya sakin bagkus naglakad ako at nagtungo sa harapan ng elevator para antayin ang lift nito. Pero maya maya pa narinig ko nanaman siyang nagsasalita sa likod ko.
"Uhmm babe? Hindi ba parang kinulang naman sa tela yang suot mo? I think kailangan mong magpalit." He said it in a very nicel4 way pero hindi ko siya ulit pinansin.
Maya maya pa tumunog na ang elevator at bumukas na, sumakay na ko at pinindot ang button pero pinigilan niya ito at sumunod sakin. Umirap na lang ulit ako at nanatiling hindi siya pinapansin na parang wala lang siya at parang hangin lang siya.
Nagsimula na kong mag jog at siya naman patuloy pa rin sa pag sunod sakin.
"Ands breakfast tayo pagka tapos nito ha?" naka ngiti niyang tanong at sumasabay na din siya sakin sa pag takbo ko.
Pero nanatili akong tahimik at malamig ang pakikitungo ko sakanya pero naging matyaga siya sakin patuloy pa rin siya sa pag sunod sakin kahit na naka suit pa rin siya.
Sa sobrang ingay at pag kukuwento niya nairita ako kaya naman nagsuot na ng earphones at nilakasan ito para hindi ko na siya marinig at mas lalong binilisan ang pag takbo.
Ngunit nahabol niya ko at hinalbot ang braso ko. Pawis na pawis siya pero ang bango bango niya pa rin at ang gwapo pa rin niya pero wala akong pakialam.
Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkaka hawak niya sa braso ko, nanatili pa rin akong tahimik at blanko ang ekspresyon na pinapakita ko sakanya. Kitang kita mo ang paghihirap sa mata niya. Pero wala akong pakialam dun. Hinablot niya na din ang earphones ko dahil alam kong naiinis na din siya, pero nagmatigas pa rin ako harap niya.
"Andrea.." malumanay at malambing na pagkaka sabi niya sakin.
"Kausapin mo naman ako..." nabasag ang boses niya maya maya pa tumingila siya at nagpipigil ng luha.
"Ano bang gusto mong gawin ko ha? Para kausapin mo lang ako. You wanted me to kneel again? Damn it! I'll do anything." maluluha niyang sabi.
"I'm willing to do anything and everything just to take you back again in my arms." at dun sabay sabay umagos ang luha niya sa mga mata niya, pero kahit talaga ni awa wala akong maramdaman eh.
Manhid na nga ata ako.
Pero dahil hindi ako nagsasalita agad agad niyang hinila ako papalapit sakanya at hinalikan ako ng sobrang lalim, ramdam ko din na nadadamay na din ang pisnge ko sa kakaiyak niya.
Hindi ako tumugon sa kahit anong halik na binibigay niya, kaya naman tumigil na siya at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Kausapin mo naman ako oh. Please. Nagmamakaawa ako... sige na, parang awa mo na Ands."
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...