Alexander Liam
"Goodmorning babe..." narinig kong sabi niya pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko
"Hey! Bumangon ka na dyan. Papasok ka pa eh!" gising niya ulit sakin.
Napamulat naman ako dahil narinig ko ang malambing na boses niya ngayon umaga. Napangiti naman ako, pero agad din yun nawala ng namalayan ko na hindi pala totoo yun. Bigla akong nalungkot. Bumigat ang puso ko ng makita kong ako lang ang nasa silid. Mas lalo akong nalungkot dahil miss na miss ko na siya. Uminit ang gilid ng mga mata ko dahil nagbabadya nanaman tumulo ang mga luha ko.
Kinuha ko ang picture niya sa side table at marahan itong hinaplos na parang siya na talaga ang hinahawakan ko. "Goodmorning hon. I-I miss you so much. I love you." tumulo ang luha ko nang hinalikan ko ang picture niya.
God! I miss her so damn much.
Mabigat ang loob ko ng bumaba ako papuntang kitchen. Napapikit ako ng mariin. "Morning babe did you sleep well last night? Nagluto ako ng breakfast. Kain na tayo." fuck, my memories with her haunts me.
Dumiretso ako para kumuha ng canned beer, gusto ko na lang ulit malasing at makatulog para hindi ko nararamdaman ang pangungulila ko kay Andrea. Nakatulala akong umiinom ng beer habang iniisip ko si Andrea. Wala akong masabi dahil gustong gusto ko siyang makita pero hindi ko kaya na makita siya na nasa ganun na kalagayan. Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin sakanya na sobra na kong nagsisi at kung gaano ko siya kamahal.
Ang lungkot lungkot ko sobra, hindi ako kumpleto kapag wala si Andrea. I can't function well.
Pinahid ko ang luha ko gamit ang kamay ko, at patuloy na uminom ng beer. Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko na namalayan ko na hindi ko pala suot ang wedding ring namin. Binitbit ko ang beer at nagtungo ako sa garage namin.
"Xander wag kang magulo naglilinis ako ng mga kotse mo!"
"Isaaaaa!!!" tili niya.
I sighed, nagtungo ako sa isa kong kotse at hinanap dun ang wedding ring ko. I knew I threw it up somewhere here. Pero nang wala akong makita sa isa kong kotse pumunta ulit ako dun sa isa ko ulit na kotse. Hinanap ko talaga yung singsing ko. Gusto ko itong suotin. That's my only remaining memory of our love.
Hinanap ko ito ng hinanap at sa wakas nakita ko rin ito. Dito ko pala tinapon yun sa pinaka paboritong kotse namin ni Andrea... hindi muna ako lumabas sa kotse bagkus pinatugtog ko yung kanta ko para sakanya.
"I won't go another day without you." umiiyak ako habang kinakanta ko ito.
Napasandal ako sa upuan ng kotse at tinignan ang wedding ring. I mess up bigtime.
"This ring symbolizes my love for you.. Babe, honey ko.. Nakikita mo yung singsing na yan hindi ba? Ganyan yung pagmamahal ko sayo. Walang katapusan at walang hangganan. I'm willing to sacrifice everything and anything for you. Mahal na mahal kita higit pa sa sobra, higit pa sa alam mo. Aalagaan kita hanggang sa pagtanda natin. I promise... I... I love you so much..."
Sinadal ko ang noo ko sa manibela at umiiyak akong sinuot ang singsing sa daliri ko. Yumugyog ang balikat ko, ang bigat bigat sa puso. Ang sakit sakit...
Hindi ko kayang mawala si Andrea... hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Sobra sobra.
"I'm sorry.." nagsusumaamo kong sabi.
I've been a jerk, gusto kong iparamdam ulit kung gaano ko siya kamahal kung gaano ako kasaya kapag kasama siya. Gusto ko ulit siyang mayakap at mahalikan. Gusto ko na ulit siyang makasama. I will make it right this time..
Patuloy lang sa pag aalala sakin na masasayang alaala namin ni Andrea..we fucking made love in this car... and I fucking miss her so much.
I lost her... I lost my one and only love... and it fucking hurts... so much.
A/N : Hi guys!!! Salamat sa patuloy na pagbabasa ng story ko. My second story is now posted. "Dear, Mr. Paasa." Thank youuu :)
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...