Andrea Danae
"BFF tama na kanina ka pa umiiyak simula pagdating mo dito sa condo wala ka ng ginawa kung hindi ang umiyak." pag aalo sakin ni George.
Pumunta ako sa condo pagkatapos namin mag away ni Xander, wala naman akong ibang matatakbuhan kung hindi si George lang. Sakanya ko nilabas lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ngayon.
"Ang sakit sakit kasi..." mahina kong sabi. Patuloy pa rin ako sa pagiyak dahil gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Kung masakit na, kung hindi mo na kaya bitawan mo na." sabi ni Geroge sakin.
Umiling iling ako. "Ayoko.. hindi ko kaya George. Mahal na mahal ko si Xander." patuloy pa rin sa pag bagsak ang mga luha ko.
"Mahal mo nga pero hindi ka ba naawa sa sarili mo? Kasi sa totoo lang ako ang nahihirapan at nasasaktan ng sobra para sayo Ands." malungkot ang tinig nito.
"Hindi ako susuko George. Alam ko mahal pa din niya ko."
"Mahal? Niloloko mo lang ang sarili mo Ands. Masyado ka ng nabubulag! Naiintindihan ko na mahal mo yang asawa mo pero mahalin mo naman ang sarili mo!" parangal sakin nito. Kitang kita ang inis sa magandang mukha nito.
"Kasalanan ko naman kung bakit kami nagkaka ganito George." totoo naman kasalanan ko kung bakit nangyayari to samin.
"Hindi mo kasalanan! Paanong naging kasalanan mo?!" inis na inis pa rin ito.
"Hindi ko kayang ibigay yung gusto niya." it kills me..
"Oh please! Kung mahal ka talaga nyan handa siyang tanggapin ang mga pagkakamali mo!" saad nito.
"Stop ruining yourself by loving him." dagdag pa nito. "Wag mong patayin ang sarili mo. Too much love will kill you."
Wala na kong masabi. Patuloy pa rin ako sa pagiyak. Hinayaan ko na lang itong magsalita. "Hindi na worth it yung pinaglalaban mo kung siya na ang kusang bumitaw Andrea... you have to let go sa ayaw at gusto mo man kasi para din to sa sarili mo."
I cried even harder habang sinasabi niya yung mga salitang yun. Parang sinasaksak yung puso ko ng paulit ulit and I'm helpless dahil wala akong magawa hindi ko alam kung pano titigil yung sakit na nararamdaman ko.
"Hindi na ito worth it kung yung sarili mong asawa wala ng respeto sayo. Pati ikaw nawawalan ka na ng respeto sa sarili mo dahil yun ang pinaparamdam niya sayo."
Namumugto ang aking mga mata dahil sa kakaiyak wala naman sigurong bago dun hindi ba? Araw araw, gabi gabi akong umiiyak ewan ko ba kung bakit hindi pa nauubos yung luha ko.
Mapakla akong napatawa habang nagmamaneho pauwi na ng bahay. George insisted na sa condo na niya ko matulog but I refused, I decided to go back to him. I've already made up my mind. Hindi ako susuko, mananatili pa rin ako sa tabi niya.
Tanga man ako wala akong magagawa mahal na mahal ko lang yung tao at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. My whole world evolves to him at hihinto ang mundo ko pag nawala siya. I'm willing to sacrifice everything and anything basta para lang kay Xander.
Pagdating ko ng bahay madilim na baka natutulog na si Xander. Pagod na pagod akong napaupo sa sofa. I looked at the picture frame again na naka sabit sa pader. Ngumiti ako ng malungkot, tandang tanda ko pa kung pano ako alagaan ni Xander noon. Kung pano niya ipinaparamdam na mahal na mahal niya ko.
"Mahal na mahal kita babe! I love you so much." madamdamin na sabi nito.
Paonti onti nanaman bumabagsak yung luha ko, akala ko naibuhos ko na lahat ng luha ko dun sa condo ni George yun pala hindi pa. Tinignan ko ang kaliwa kong kamay kung saan nakasuot pa rin ang wedding ring namin dalawa at engagement ring.
Malungkot akong nagtungo sa kwarto namin pero pag bukas ko ng pinto madilim ito. Wala nanaman si Xander...
Pagod akong humiga sa kama namin at natulog habang umiiyak...
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...