Alexander Liam
"Isang car accident na naganap malapit sa Global Fort. Driver lang ang nakasakay rito at nabalitaan din na tumaob ang kotseng sinasakyan nito. Isang eight wheeler truck at isang kotse ang bumangga rito." ayon sa balita na pinapanood ko ngayon sa tv.
Napukaw ang atensyon ko sa tv na biglang tumawag sakin si Mommy. Hindi na ko nagdalawang isip pa na sagutin ito.
"Ma." sagot ko.
"X-xander..." nanginginig ang boses nito maya maya pa bigla na lang itong umiiyak sa kabilang linya.
"Ma what's happening? Bakit ka umiiyak?" nag aalala kong tanong rito.
"Asan... asan ka a-anak?" humihikbi nitong tanong.
"Nasa penthouse ako ngayon Ma. Bakit po?" sagot ko.
"Jusko... si Andrea anak..." hagulgol nito sakin.
Bigla naman akong kinakabahan. "Bakit Ma anong nangyari kay Andrea?"
"Just please come here... please anak." umiiyak na pakiusap nito.
"Saan Ma?" kinakabahan kong tanong.
Pero hindi ito sumasagot bigla na lang itong natahimik. "Ma?" tawag ko pa.
"Ma!" kinakabahan kong tanong, hindi pa din kasi ito sumasagot.
"Mom!!" ulit ko pa pero wala na siya sa kabilang linya.
Tinawagan ko ulit to pero hindi nito sinasagot. Fuck!! Asan si Andrea?!
Bigla ulit akong napatingin sa tv, car accident malapit sa Global Fort? Hindi kaya... hindi kaya si Andrea yun? No! Please! Hindi pwede!
I tried to dial her number. "The subscriber cannot be reached." oh shit.
Agad akong lumabas ng condo ko at nagtungo sa kotse ko mabilis ko itong pinatakbo at ligtas naman akong nakarating sa bahay namin ni Andrea. Madilim ang buong paligid. Pagkababa ko ng kotse at tumakbo ako patungong pinto.
"Andrea." katok ko pero walang sumasagot.
"Andrea!!!" sigaw ko at malakas na kumatok pero wala pa din sumasagot.
Halo halo ang nararamdaman ko. Kaba at takot para sa asawa ko...
"Andrea... please open the door. I'm begging you.." my voice started to shake at maluha luha na din ako.
Nanghihinang napaupo ako sa lapag at onti onting tumulo yung luha ko. Napahawak ako sa ulo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari kay Andrea.
"Asan ka Andrea?" humihikbi kong tanong kahit alam ko naman na hindi siya sasagot.
Guilt is eating me...
Tinawagan ko ulit si Mommy pero hindi pa rin ito sinasagot. I decided na baka magkasama sila ni Daddy kaya naman ito na lang ang tatawagan ko.
Nanginginig ang kamay ko habang dinadial ang number ni Daddy nag antay pa ko at sumagot ito. "Xander, asan ka ba?" yun agad ang bumungad saakin.
"Dad... asan po si... si An-Andrea?"
"Nasa operating room anak.." malungkot ang boses nito.
"Dad please tell me.. kung asan kayong ospital.." pakiusap ko ulit.
"Andito kami sa St.Lukes Taguig anak. Please hurry up your wife needs you." sagot nito.
"I'll be there Dad.." huli kong sagot at binaba na ang tawag.
Kinakabahan man ako, kailangan kong pumunta dun.
Nang makarating ako sa ospital nakita ko sila Mom and Dad na nasa waiting area. Ang mga kaibigan ni Andrea na umiiyak. Ang mga kapatid niya na tahimik pero nakatulala at ang mga magulang ni Andrea na nakaupo at umiiyak rin.
"Xander." banggit ni Mommy sa pangalan ko kaya agad naman silang napalingon.
"How dare you na magpakita pa rito! Ha?! This is all your fault kung bakit nangyari to kay Andrea!" sugod sakin ni Agnes.
"Agnes please stop... hindi makakatulong ang init ng ulo. Just calm yourself everything will be alright." pag awat sakanya ni Mama Caitlyn.
"Mama.." nanghihina kong tawag sa Mommy ni Andrea.
Lumapit ito sakin. Bigla ko itong niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry.. sorry..." tumulo ng malaya yung mga luha ko.
"I'm so sorry..." ulit ko pa
Yumakap ito sakin pabalik. I deserve a slap right? Pero onti onti kong narinig ang iyak nito sa balikat ko.
"Shhhh.." pag alo niya sakin.
Napatigil lang kami ng biglang lumabas yung doctor sa operating room.
"Husband of Mrs. Anderson." tawag nito
"Y-yes po Doc?" nanginginig kong tanong.
"I'm sorry for your lost.. we did our best but we can't save--"
"What do you mean Doc?!" kinakabahan kong tanong.
"Hindi namin naligtas ang baby niyo ni Mrs. Anderson." malungkot ang pagkakasabi nito.
So it's true na buntis nga siya, pero how come?
"Kamusta si Andrea?" tanong ni Mommy.
"She's in a critical condition." sagot nito.
"Please... please do everything to save Andrea." pakikiusap ni Mama.
Tumango lang ulit at pumasok na agad sa operating room. Nanghihinang napaupo ako sa upuan.
I silently pray. "Please save her. I'm begging you."
Hours had passed at hindi pa din lumalabas ang doctor sa operating room. Halos lahat kami hindi na mapakali.
Sabay sabay kaming napalingon lahat ng lumabas na ang doctor. Lumapit naman agad kami.
"Doc ano na po nangyari?" nag aalalang tanong ni Agnes.
"I'm sorry." sabi nito.
Napasinghap naman kaming lahat. Oh no! Wag mong gagawin sakin to Andrea... wag mo kong iwanan.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomansGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...