Chapter 8

109 7 1
                                    

Andrea Danae

Nagising nanaman ako ng walang katabi sa kama, napabuntong hininga na lang ako. Hanggang kailan kami magiging ganto? Hanggang kailan ako magtitiis? Kailan ba ko mapapagod? Minsan gusto ko na lang sampalin ang sarili ko para magising sa katotohanan. Sabi ng utak ko na iwan na si Xander pero hindi magawa ng puso ko na iwanan siya kahit nagkaka ganto na siya kahit hindi na siya kagaya ng dati ni kahit na onti hindi nabawasan ang pagmamahal ko para sakanya.

Hindi pa rin napagod ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi dahil hanggang ngayon umaagos ulit ito ng malaya sa aking mga mata. Hagulgol lang ang naririnig ko sa apat na sulok na silid.

Nang mahismasmasan ako ng onti pumunta ako ng banyo para maligo tumingin ako sa salamin kitang kita ang namamgang mata ko, ang malaki ko ang eyebags dahil sa kakaantay na umuwi si Xander sa bahay. Kitang kita ko din ang pangangayayat ko sa haral ng salamin. Mukha na akong zombie kung sa tutuisin lang.

Ngumiti ako sa harap ng salamin pero kitang kita ko ang lungkot at sakit sa sarili kong mga mata. I used to smile everyday pero ano nangyari? Araw araw na akong umiiyak. Tumalikod na ako dahil ayoko ng makita ang sarili ko na nasa ganung kalagayan.

Umabot ang ilang oras nagawa ko na din ang mga gawaing bahay, pero hanggang ngayon hindi pa din umuuwi si Xander. Tinatawagan ko ito pero nakapatay ang cellphone nito. Andito lang ako sa kwarto namin buong maghapon na umabot na ng gabi hindi ako kumain dahil wala akong gana. Nanonood lang ako ng video ng kasal namin ni Xander.

Hindi nga yata ako naawa sa sarili ko dahil mas lalo lang akong nasasaktan habang pinapanood ito. Kitang kita ko pa ang mga kislap sa mga mata niya noon. Kitang kita ko pa sa mga mata niya yung pagmamahal niya para sakin. Sumisigaw ito punong saya at pagibig. Pero ngayon habang tinitignan ko siya sa mga mata wala akong makitang emosyon ni kahit onting pagmamahal wala na akong makita dun.

Malaya nanaman kumawala ang mga luha ko sa aking mga mata habang pinapanood ang kasal namin.

"Do you Alexander Liam Fier Anderson take Andrea Danae Navarro Hudson to be your lawfully wedded wife?"

"I do father." sagot nito st humarap sakin he mouthed 'i love you'

I mouthed 'i love you too' and then I smiled lovingly to him.

Tumikhim ang pari at sabay naman kaming napalingon. "Mukhang excited na kayong dalawa ikasal pwede niyo naman sabihin yung i love you di yung binubulong niyo pa." biro nito na agad naman ikanatawa ng mga witness sa kasal namin.

"Do you Andrea Danae Navarro Hudson take Alexander Liam Fier Anderson to be your lawfully wedded husband?"

Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin ng diretso rito. "I do father..." sagot ko.

Bigla naman tumulo ang luha ni Xander dahil sa tuwa I cupped his face at pinahid ito ganun din ako tumulo na din yung luha ko. He cupped my face too. I am the most happiest girl alive!!!

"Pero bago mag you may now kiss your bride. May tanong muna ako sayo Alexander." sabi ng pari.

"Ano po yun Father?" magalang na tanong niya kay father.

"Gaano mo kamahal ang asawa mo?" tanong ng pari sakanya.

Tumingin ito sakin ng madamdamin kitang kita ko sa mga mata niya yung kislap at pag mamahal niya para sakin.

"Hindi ko po alam sa totoo lang.." huminto ito saglit para punasan yung luha niya na patuloy pa rin umaagos.

"Kasi... hindi kayang sukatin yung pagmamahal ko sakanya. Hindi kayang tumbasan ng kahit ano yung pagmamahal ko sa asawa ko.." dagdag niya pa.

"Andrea.. mahal na mahal kita, handa akong tanggapin lahat ng pagkakamali mo dahil kahit kailan hindi magbabago yung pagmamahal ko para sayo... mas lalo pa tong madadagdagan lalo na't lagi na tayong magkasama. Pinapangako ko sayo na aalagaan at mamahalin kita hanggang sa pagtanda natin."

I turned off the tv, yumugyog ang mga balikat ko dahil sa kakaiyak. Dahil gustong gusto kong ibalik yung dating kami...

I cried even harder... kasi ang sakit sakit. Para akong binubugbog ng madaming madaming beses at wala akong magawa kung di hayaan ang sarili kong masaktan. Pumikit ako ng mariin at hinawakan ang dibdib ko dahil sobra pa sa sobra yung sakit na nararanasan ko ngayon...

"URGHHH!!!" umiiyak kong sigaw at pinagbabato ko yung mga unan.

"SINUNGALING KA!!! SABI MO MAMAHALIN MO HANGGANG SA PAG TANDA NATIN!!!" I shouted with full of pain.

"Xander... BAKIT?! BAKIT?!" sigaw ko ulit.

Pero kahit anong sigaw ko hindi pa rin nawawala yung sakit.

"ANG SAKIT... SAKIT NA..."

"ANG TANGA TANGA KO!!! KASI KAHIT NA ANG SAKIT SAKIT NA HINDI KO PA RIN MAGAWANG IWAN KA!" halos hindi na ako makahinga dahil sa kakaiyak...

Hindi na napagod ang mga mata kong magpakawala ng mga luha... patuloy pa rin ito sa pag agos at walang tigil to..

Another painful and sleepless night... pero hanggang ngayon hindi pa din siya umuuwi...

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon