Alexander Liam
Days, weeks and months had passed and yet there's no signs of Andrea recovering. The doctors are doing their best para kay Andrea pero hindi pa din ito nagigising.
8 months to be exact. Siguro sa walong buwan na iyon ilang araw na lang aantayin ko para mapanganak niya yung panganay namin. Siguro sa walong buwan na yun inaalagaan ko siya dahil buntis siya, binibili ko yung mga pagkain na gusto niya kahit madaling araw na. Pero eto pa rin kami nag aantay na magising siya.
Walang araw at gabi na sinisi ko ang sarili ko sa nangyari sa asawa ko. Walang araw na hindi ako umiiyak. Walang araw na hindi ko siya iniwan sa tabi niya kasi gusto ko kapag nagising na siya ako yung makikita niya.
Andito kami sa loob ng ICU kasama ko ang Mama Caitlyn. Dalawang hanggang tatlong tao lang kasi ang pwedeng pumasok sa ICU at limited lang ang oras. Nagpa prayer meeting kami para kay Andrea. We all pray na sana magising na siya.
"Princess." nang hihinang tawag ni Mama Caitlyn kay Andrea. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ito sa noo. Then next she burst out, she's crying really hard. Nagsimula nanaman mamuo yung luha ko.
"Please wake up.." umiiyak na pakiusap ni Mama Caitlyn.
"Andito lang kami para sayo anak... ang dami ng nag aantay sayo sa waiting room..sana magising ka na." tuloy pa rin siya sa pakikipag usap kay Andrea.
Maya maya pa't tumulo na yung luha ko, pinunasan ko ito pero sunod sunod na ang pag patak..
"I love you so much anak." hinalikan ulit nito si Andrea.
Naglakad siya patungo sakin at niyakap ako ng mahigpit. At tuluyan ng lumabas sa ICU. Maya maya naman si Papa Amber na ang pumasok sa ICU niyakap din ako nito at nag tungo papunta kay Andrea
"Anak. How are you?" basag ang boses nito.
Tumikhim ito. "I am saying this not because gusto kong mawala ka na... I am saying this dahil ayoko ng mahirapan ka pa anak." narinig ko na din ang pagiyak nito. Napapikit ako ng mariin dahil masakit din para sakin.
"Kung gusto mo ng sumuko kung pagod ka ng lumaban.. kahit m-masakit saamin.." yumugyog ang balikat nito.
"Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ka namin.. if you can't take it anymore... onti onti namin tatanggapin anak..." umiiyak na sabi nito. Hinalikan niya ito sa noo. Bago lumabas ng kwarto.
Sunod naman na pumasok si Kuya Andrew. Hindi ako pinansin nito dahil alam kong galit sila sakin. At tanggap ko yun dahil kasalanan ko.
"Baby girl.." tawag nito kay Andrea, hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan.
"You know what? Miss na miss ka na naming lahat..." he stared crying.
"Miss na miss ka na ni Kuya... gumising ka na ha?" pag susumaamo ni Kuya Andrew.
"Ikaw ang mundo namin nila Mommy. Kapag nawala ka hindi na namin alam kung anong gagawin namin... kaya please fight for us.." hinalikan niya ito bago tuluyang umalis sa ICU.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...