Chapter 22

159 8 2
                                    

Alexander Liam

"Kuya what kind of mess is this?!" naka ngiwi na sabi ni Sofie at tinakpan ang ilong niya gamit ang panyo niya.

Tamad kong binagsak ang katawan ko sa sofa at uminom ng canned beer. Tinignan ko lang siya habang naglilibot sa living room at diring diri ito pagkaka kita ko sa mukha niya.

"Grabe! Ang gulo gulo dito Kuya. You're in a big mess and this house is totally a mess!" dada niya.

I chuckled. "Sofie you may go now kung lalaitin mo lang ang bahay namin ng Ate Ands mo."

Lumingin ito sakin at namewang sa harapan ko. "Kuya, Mommy will freak out kapag nakita niya tong bahay mo na ganto kagulo!" reklamo pa niya.

"I know." tipid kong sagot

Umupo ito sa tabi ko at yumakap. "You stinks! Amoy alak ka! And look at you Kuya para kang adik sa kanto!" kumalas ito sa pagkaka yakap sakin.

"I'm pretty sure kapag nagising na si Ate Andrea. Panigurado na mag aaway kayo dahil alam mo naman yun napaka clean freak!" dagdag pa niya.

"You think so?" tanong ko.

"Uhuh." tango niya at malungkot na ngumiti sakin.

"Kuya...." lambing nito at yumakap ulit sakin.

Gumanti naman ako ng yakap at hinalikan siya sa noo. "Hmm?"

"Two weeks na..two weeks ng hindi nagigising si Ate Ands." malungkot ang tono nito. At maya maya pa narinig ko na ang mahinang iyak nito. She really love her Ate Andrea. Mas mahal pa niya ang Ate niya kesa sakin.

Hindi ako kumibo kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maattempt na puntahan si Andrea. I'm scared.

"Ba... bakit hindi mo siya binibisita Kuya?" tumingin sakin ito at namumula ang ilong nito. I kissed the tip of her nose.

Hindi ako makatingin sakanya ng diretso dahil gusto kong sabihin na..hindi ko kaya. Na tatakot ako. Baka kapag pumunta ako dun, yun na ang una at huli ko siyang makikita. Ayoko siyang makita na nasa ganun na kalagauan yung nag aagaw buhay. It kills me. Iniisip ko pa lang para na kong mawawalan ng buhay what more pa kaya kapag nakita ko na siya?

"We've been waiting for 2 weeks now and yet there's still no improvement about her condition." sabi pa ni Sofie.

"Pati ang mga press naka abang na sa labas ng hospital and then they are looking for you.. tell me Kuya bakit hindi mo man lang magawang madalaw si Ate?"

Kumalas ako ng pagkakayakap ko sakanya at umabante ng onti. Pinatong ko ang braso ko sa binti ko.

"I'm scared.. Sofie." I answered, nagsimula ng manginig ang boses ko at nagsimula na din mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Kuya. You don't have to be scared. Ikaw ang pinaka kailangan ni Ate Andrea doon. She needs you so please come with me." sagot niya sakin.

"Hindi ko pa siya kayang harapin Sofie. Natatakot ako na baka yun na ang una at huli ko siyang makikita." cracked voice.

"Kuya please..." Sofie begged.

"It's my fault kung... kung bakit siya andun at nag aagaw buhay..." tumayo ako at napasabunot sa buhok ko.

"I killed my own child.." tumulo na ng malaya yung mga luha na kanina ko pa pinpigilan. Humarap ako sa kapatid ko at dun ko pinakita sakanya kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"Kuya please don't blame yourself walang may gusto nito.." pagpapaliwanag

"It's my fault. The day na nalaman namin na she can't bear a child... nagbago ang pakikitungo ko sakanya.. I felt siya ang sumira ng pangarap ko na magkaroon ng isang pamilya. Nambabae ako, nagpaka gago ako Sofie... nagdala ako ng babae dito sa bahay namin. Ipinaramdam ko sakanya how much I loathe her. Hindi ako umuuwi dito... naghanap ako ng babae na kayang ibigay sakin yung pangangailangan ko... and then that moment..." napapikit ako dahil patuloy ng umaagos ang luha ko.

"That moment..nung dinugo siya I realized that I was too blind to see that I still love her... pride and ego ate me Sofie.." iyak ko pa sakanya.

"Kuya." ramdam ko ang awa sa boses niya.

"Wala akong magawa. I wanted to save her... I wanted to get rid of her in that situation... pero.." hindi ko na tinuloy ang sinabi ko dahil that moment. I break down. I'm breaking inside piece by piece.. shattered.

Niyakap ako ng kapatid ko. Ginantihan ko siya ng yakap. At iniyak sakanya lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. "All I can say is how sorry I am... I keep on blaming myself Sofie.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"Para akong mababaliw eh.. simula nung nalaman kong andun siya sa hospital at nag aagaw b-buhay eh.. sana ako na lang yung andun Sofie..." dagdag ko pa.

"Para naman mabayaran ko lahat ng pang gago.. pananakit at pagpapaiyak ko sakanya. Sana ako na lang yung andun... sana..."







I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon