Alexander Liam
"I'm sorry." nung narinig ko pa lang yung salitang yun galing sa doctor para akong kinakapos ng hangin.
"Please.. don't say this doc.." pagmamaka awa ni Mommy.
Napapikit naman ako ng mariin at ramdam kong uminit ang gilid ng mga mata ko at nagbabadyang tumulo yung luha ko. I refrained myself from crying. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Hindi ko kaya. Hindi ko pala kayang mawala si Andrea. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sakanya. Ako lang ang pwedeng sisihin, sarili ko lang...
"Andrea is in the state of comatose dahil sa head injury na natamo niya sa car accident. It can also lead to amnesia tsaka lang natin malalaman if ever na magigising pa siya." sabi ulit ng doctor.
Somehow, I am thankful dahil akala ko wala na siya.. akala ko tuluyan na niya kong iniwanan. Pero yung takot ko hindi pa din nawawala yung bilis ng tibok ng puso ko ganun pa din.
"Ililipat na namin siya sa ICU for her to monitor." dagdag pa ng doctor.
"Pwede po ba namin siya makita?" tanong ni George, halata pa din ang lungkot sa mga mata nito.
"Hindi muna sa ngayon. She's still in a very sensitive condition." sagot nito.
Tumingin ang doctor sakin. "Husband of the patient right?" tanong nito.
I nodded as an answer. "Doctor Lim wants to talk to you. You can go to her clinic. She's there waiting for you." sabi nito.
"For what apparent reason?" nagtatakang tanong ko.
"Actually I don't know. Pinapasabi niya lang sakin. You can go there and find for yourself." sagot nito.
"I have to go, I still have to check on the patient." paalam nito. Pero bago ito umalis lumingon ito sa magulang ni Andrea. "Be strong for her." at umalis na.
"I won't ever forgive you Xander kapag may masamang nangyari sa kapatid ko!" galit ang bumungad sa mukha ni Kuya Drew, akmang susuntukin na niya ko phindi ako umilag dahil kasalanan ko pero pinigilan ito.
"Kuya Drew stop, walang may gustong mangyari ito. Kaya calm yourself." awat sakanya ni Kuya Anthony.
"Xander please go, pumunta ka muna sa clinic ni Dra. Lim." sabi ni Papa Amber. Napatango na lang ako bilang sagot.
At tinahak ang daan ng wala sa sarili. Tulala lang akong naglalakad. Malalim ang iniisip.
"Mr. Anderson?" napalingon naman ako sa tumawag sakin.
Lumapit ito sakin. "Dra. Lim, ob ng asawa mo." pakilala nito sakin.
I nodded, I don't wanna be rude pero wala lang akong gana makipagusap ngayon.
"Uhmmm can we talk sa office ko?" tanong nito. I nodded again as an answer.
"I'm sorry sa nangyari sa asawa mo, I know you're not in the mood to talk dahil masakit para sayo but I have to say this and I have to say sorry to you too." sabi niya pagka pasok namin sa loob ng clinic niya.
Nakatulala lang ako, parang walang pumapasok na impormasyon sa utak ko. Tango lang ako ng tango sakanya kahit hindi ko naman naiintindihan yung sinasabi niya.
"Nagkamali ako, and I'm willing to take responsibility for that. Last 3 months ago nasabi ko sainyong mag asawa na hindi pwedeng magka anak si Mrs. Anderson the truth is she can. Pwede siyang magka anak. Nagkamali kasi ako ng kuha ng folder sa assistant ko, hindi ko dinoble check dahil pagod ako nung mga oras na yun." mahabang tugon niya.
Napalingon ako sakanya. "Do you know what we've been through dahil sa sinabi mo samin?! Gusto kong makipag hiwalay sakanya noon dahil she can't bear a child! I felt like siya ang sumira ng pangarap ko na magkaroon ng isa at masayang pamilya! At ng dahil lang sa irresponsible mong doctor I lost her!! I lost our baby!! Fuck! Fuck this life!!" sigaw ko sakanya onti onti ng tumulo ang mga luha ko.
"I'm sorry I'm willing to take responsibility for that." naka yukong sabi nito.
"Maibabalik pa ba ng sorry mo ang lahat?! Damn it! Hindi! Hindi mo maibabalik!" singhal ko sakanya.
Umalis ako sa clinic na yun, dahil ayoko ng makarinig pa ng mga walang kwentang paliwanag pa.
"Mr. Anderson!" habol nito sakin. Pero hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa maka abot ako ng parking lot ng hospital.
Pumasok ako sa kotse ko. Yumugyog yung balikat ko dahil sa kotse iniyak lahat ng takot ko.. napahilamos ako sa mukha ko dahil sinisi ko ang sarili ko sa nangyari kay Andrea...
I burst out. I keep on crying. "Ughhh! Tangina! Tangina!" iyak ko pa at pinagsusuntok yung manibela.
"I'm sorry... I'm sorry, so sorry Hon..." hagulgol ko pa at inuntog ko ang sarili ko sa manibela.
"S-sorry..." iyak ko pa.
Hinayaan ko lang tumulo yung luha ko sa mga mata ko. Wala akong magawa. Sana ako na lang... sana ako na lang yung nasa kalagayan ni Andrea ngayon.. dahil hindi ko kaya na makita siya na nasa ganun na kalagayan... kasi doble yung sakit.
Mahal na mahal kita Andrea...
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...