Chapter 31

132 6 1
                                    

Andrea Danae

"Andrea..."

Hindi ko inaasahan na ngayon ko maririnig ang boses niya. Hindi pa ko handang marinig ang boses niya. Hindi pa ko handang makita siya.

Lumingon ang mga press at iba pang paparazzi sakanya. Tinutok na din ang ilang camera sakanya pero nanatili pa rin siya naka tingin sakin. I look at him too, pero ni walang bakas ng pagka miss kagaya ng sinasabi ng mga mata niya.

Nagbigay daan naman ang mga reporters sakanya at naglakad siya patungo sakin. Hindi ako gumalaw o ano man nanatili ako sa pwesto ko na naka tayo. Nakita kong nang gigilid ang luha sa mga mata niya. His eyes speaks of longing, agony and hurt.

Nung makita ko siya ay mas lalong dumagdag ang galit ko para sakanya. Kahit pala 3 taon na ang lumipas, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin sakin ang lahat ng ginawa niya. Humigpit ang hawak ko sa kamao ko pero hindi ko pinakita iyon sa kahit na sino. Hindi pa naman alam ng press na hiwalay na kami dahil iba ag dinahilan niya at yun din ang sinabi ng management ko para sa image ko. At that very moment gusto kong sabihin ang totoo pero pinigilan nila ako. Wala akong nagawa kung di sakyan ang mga sinasabi nilang kasinungalingan.

Nang makalapit na siya sakin tinitigan niya ko at para bang kinakabisado ang mukha ko. "Oh God! I missed you so much." he said at niyakap ako ng sobrang higpit.

Binaon niya ang mukha niya sa balikat ko at nararamdaman ko na din ang luha na tumutulo sakanya mga mata. Hindi ko ginantihan ang yakap niya sakin bagkus nagpakita at pinaramdam ko pa rin sakanya na wala lang siya para sakin.

Pero narinig ko ang mga bulong bulungan ng ibang press kaya wala akong choice kung hindi ang yakapin siya kahit labag naman sa loob ko. And yes, he's still wearing the same perfume na nireregalo ko sakanya noon. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sakin kaya naman mas lalong nakapag agaw atensyon sa lahat ng tao na sa airport.

"I'm... I'm sorry.." nagsusumaamo niyang bulong sakin. Pero nag panggap akong wala akong narinig at kumalas na sa yakap.

Pero agad nagtilian ang mga tao sa airport pati na din ang mga paparazzi at reporters sa harapan namin dahil hinalikan niya ko ng sobrang diin.

He cupped my face, and kiss me with gentleness and full of longing and love at mas lalo niya pang diinan yun. Yung isang kamay niya ay mas lalong hinapitan ang bewang ko papalapit sakanya.

Since may mga tao at kailangan mag panggap. Ginantihan ko ang halik niya but not the same intensity. I kissed him back with full of roughness and bitterness. Pero hindi niya pinansin yun at mas lalo ulit niyang diininan ang halik niya. Na para bang pilit niya pinapasok at pinaparamdam ang pagmamahal niya sakin na hindi ko naman tinatanggap.

Too late Xander, yan ang sinasabi ng isip ko. At pati na rin ang sarado kong puso para sakanya.

Bago niya itigil ang paghalik niya sakin, he bit my lower lip and give me one smack in my lips then tumigil na siya. Humarap siya sa mga tao na andun at, hinawakan ang kanang kamay ko. Nakikita ko din na suot niya ang wedding ring namin noon. At napansin ko din na naka kwintas ang wedding ring ko. Ngumisi lang ako. Itinaas niya ang kamay namin dalawa at pinakita sa naka paligid na mga tao.

Pilit akong ngumiti habang siya ay halatang halata mong masaya dahil nag kita na kami pero ako, hindi ako masaya na nakita ko siya.

Let's get this act done. Nakakasuka eh.

Kaya naman hinila ko na siya, papunta ng kotse niya. At mabuti naman at nagpahila siya. Nang makarating kami sa kotse niya patuloy pa rin sa pag sunod ang mga press. Bakit kasi wala dito si Bob.

Nang makasakay na ko sa kotse niya kinuha muna niya ang mga maleta ko at sumakay na sa kotse niya. Isinuot niya din ang seatbelt sakin pero nanatili akong tahimik at walang kibo. Pero bago siya mag maneho, hinalikan niya ang pisngi ko at ngiting ngiti siya pero umirap lang at nagmaneho na siya.

"Ipunta mo ko sa condo ko." malamig ang tugon ko sakanya.

"God! Finally, narinig ko na din ang boses mo Hon. Grabe miss na miss na kita." he said and then smiled sweetly to me.

"Wala ng mga press Alexander, kaya tigilan mo na ang pag papanggap mo." sabi ko pa at hindi ko na binaling ang atensyon ko sakanya at tumingin na lang ako sa labas.

Nagtatanong siya ng kung ano ano pa pero hindi ko na siya pinagkaabalahan na sagutin pa. Dahil ayoko ng mag aksaya pa ng panahon sakanya.

Nakaramdam ata at natahimik. Maya maya pa ibang daan na ang tinatahak niya. "Hindi dyan ang daan papuntang condo ko!" medyo mataas ang boses ko.

"Easy there babe. Hindi ka uuwi ng condo mo dahil sa bahay ka uuwi." sabi niya at nanatili ang mga mata niya sa daanan.

"Ibaba. Mo. Ako." sabi ko ng may diin.

"No way." pag mamatigas niya.

"Ibaba mo sabi ako eh!" sigaw ko

"Why do you have to shout?" mahinahong sabi niya.

Sa sobrang inis ko inaagaw ko ang manibela sakanya. "Wooh! Andrea! Ano ka ba?! Gusto mo bang mamatay tayo?!" singhal niya.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang makasama ka!" sigaw ko sakanya.

I can see his pain in his eyes at mamaya pa ay maluha luha na siya. I don't care. Mas malala pa ang ginawa niya sakin noon kumpara sa sinabi ko sakanya ngayon.

Tumikhim siya dahil ramdam kong bumabara sa lalamunan niya. Ngumiti siya pero kita ko pa rin ang sakit sa mga ngiti niyang iyon. "O-okay." sagot niya.

"I-ihahatid na kita sa condo mo." sabi niya at nakita kong kumawala ang luha niya sa kabilang mata niya.

"Malinaw ka naman pala kausap eh." sagot ko at hindi na ulit siya pinansin.

Maya maya pa naririnig ko na ang munting hikbi niya sa kotse pero nagpanggap akong wala akong naririnig dahil wala akong pakialam.

Wala pa sa ginawa mo sakin yan Xander.

Nang makababa na ko at nakarating na sa condo, inakyat niya lang ang mga maleta ko. Habang nasa harap kami ng condo ko, akmang papasok na ko pero bigla siyang nagsalita.

"Andrea.." sabi niya.

Nilingon ko naman siya ng walang emosyon. "Kindly do me a favor Xander?" tanong ko

"Ano yun?" alanganin siyang ngumiti sakin.

"Umalis ka na. At wag na wag ka ng magpapakita sakin." huli kong sabi bago pumasok sa condo ko at sinarado ang pinto. Napasandal ako sa pintuan at rinig na rinig ko ang sunod sunod niyang katok.

"A-andrea please let me in. Mag usap naman tayo oh." pag mamakaawa niya sakin.

Pero hindi ko siya pinansin. Maya maya pa malayang lumabas ang luha ko.

Masakit pa rin pala... sobrang sakit pa rin..

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon