Andrea Danae
May photo shoot ako ngayon dito sa Palawan, para sa isang magazine na icocover ko. Mabuti nga at napunta ako rito para hindi ko nakikita si Alexander. Mag tatatlong araw na kong andito pero patuloy pa rin sa pagtawag at pagtext sakin si Xander. Pinatay ko na lang ang cellphone ko, tutal wala naman akong gagawin ngayon napagisipan ko na lang mag libot sa buong resort. Nagpalit muna ako ng black two piece swimsuit and then I grab my rayban shades at lumabas na ng room ko.
Napansin ko na napaka ganda dito, napaka elegante ng mga designs sabagay isa tong five star resort and hotel. Lumabas ako para matanaw ang napaka ganda at napaka linaw na tubig ng dagat. I was mesmerized with the beauty. I can feel peace and harmony. Nanatili akong nakatitig sa dagat at dun..dun may pumasok na isang masayang alaala.
It was Alexander and me....
It's our 2nd anniversary and we decided to celebrate at Maldives. Gustong gusto ko talaga sa beach, I found peace in there. It was an extraordinary day for me dahil kasama ko ang taong mahal ko noon, walang problema at yung mga titigan na may kislap sa mga mata, yung mga halik na punong puno ng pagmamahal.
Maya maya pa naramdaman ko na basa na ang pisngi ko dahil may luha nanaman na tumulo sa aking mga mata. Sabi ko kasi, kailangan pagbalik ko dito hindi ko na siya iiyakan dahil pagod na ko sakanya, sabi ko sa sarili ko na dapat pagka nagkita kami parang wala na lang. Dapat wala na kong pakialam sakanya. Pero bakit ganun? Bakit ang sakit sakit pa din?
Bakit sa tuwing nakikita ko siya, nasasaktan pa din ako? Naalala ko pa din lahat ng ginawa niya sakin. Lahat ng pananakit, lahat ng pagtratraydor niya sakin, lahat ng pang loloko niya sakin.
Poot ang nararamdaman ko sakanya, hindi ko alam kung pano ko pa siya papatawarin kasi masakit pa din eh, sobrang sakit pa din.
"A penny for your thought?"
Pagka kita ko pa lang sakanya agad na kong tumayo at umalis, binilisan ko pa ang paglalakad ko na ngayon naging takbo na. Pero sadyang mabilis nga ata siya dahil naabutan nanaman niya ko. At hinila ang braso ko.
"Andrea... hindi mo ko pwedeng takbuhan habang buhay." sabi niya.
"Bitawan mo nga ako." may diin kong sabi.
"Hindi. Hindi kita papakawalan hangga't hindi tayo nagkaka ayos ngayon!" he said with authority.
"You wish." sinuntok ko siya sa pisnge gamit ang kanang kamay ko.
"O-ouch.." daing niya at humawak sa natamaang pisngi niya at nabitawan niya ang kaliwang braso ko.
At dun, nagkaroon ako ng pagkakataon makatakbo sakanya.. palayo sakanya. Dahil hindi ko pa kayang harapin lahat, baka pagka nagkausap kami maging mahina nanaman ako sa harapan niya. Baka pagka nagkasama kami ngayon baka bumigay ako at mahalin ko pa ulit siya. Ayoko. Dahil ko na kaya pa. Hindi ko na kaya pang masaktan at sirain ang sarili ko para sakanya.
Tumakbo ako ng tumakbo papalayo sakanya, tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo kahit hindi ko na alam ang direksyon basta ang alam ko gusto kong makatakas sakanya. Iyak ako ng iyak habang tumatakbo. Napatigil na lang ako sa pagod ko kakatakbo, napatakip ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay at dun ako umiyak ng umiyak.
"Ayoko.. ayoko.." nanghihina kong sambit habang umiiyak.
"H-hindi ko k-kaya." iyak ko pa maya maya hindi na ko maka hinga at hinawakan ko ang dibdib ko at naghahabol ng hangin. Kinakapos ako.
Natumba ako dahil nanghihina ako at maya maya pa bigla na lang dumilim ang paligid ko at onti onting pinikit ang mga mata ko...
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...