Chapter 12

125 6 1
                                    

Andrea Danae

"Ano na te? Kanina ka pa
nakatulala dyan!" sita sakin ni Agnes.

"Ughh.. Sorry." pag hingi ko ng paumanhin.

"Ano nanaman bang problema mo Ands?" nag aalalang tanong ni George.

Kasalukuyan kaming andito sa coffee shop ni August in short Agnes, dito ako dumiretso pag tapos ng nakita ko sa office ni Xander may usapan din kasi kami na magkikita kami.

Umiling iling na lang ako bilang sagot dahil ayoko ng umiyak, masakit na ang mata ko kakaiyak sa sasakyan ko bago ako pumunta dito. Sobrang sakit na din ng puso ko kaya ayoko ng umiyak pagod na pagod na ko.

"Sus! Alam naman namin na may problema ka." dirediretsong sabi ni Agnes.

"Si Xander nanaman ba?" may bahid pa rin ng pag aalala ang boses ni George.

Nung narinig ko pa lang yung pangalan niya naiiyak na ko. Nasasaktan na ko. Di ko man gustong sabihin sakanila pero yung luha ko yung nagpapatunay na siya nanaman ang dahilan ng pagiyak ko.

"Sabi na eh." si Agnes.

Tumulo nanaman yung luha ko sa mga mata ko, hanggang sa yumugyog yung balikat ko. Akala ko naiyak ko na lahat dun sa kotse ko pero hindi pa din talaga napagod yung mata ko kakaiyak.

Nilapitan ako ni Agnes at George, at inalo alo ako. Mas lalo lang akong napaiyak. I'm dying inside. Sobrang sakit.

"Ang sakit, ang sakit sakit..." nanghihina kong sabi sakanila.

"Shhhh tama na Ands." pag alo sakin ni George.

"Hiwalayan mo na yan Andrea kung puro pang gago lang naman ginagawa ng asawa mo sayo." sabi sakin ni Agnes.

Umiling iling ako. "Hindi ko kaya Agnes. Mahal na mahal ko si Xander handa akong magtiis."

"Andrea wake up!! can't you see?! Ginagago ka na ng asawa mo wag ka naman magpakatanga masyado!" parangal sakin ni Agnes.

"Agnes tama na please." pakikiusap ni George.

"I won't stop! Hangga't hindi nagigising yang kaibigan natin sa katangahan niya." sagot ni Agnes.

Lumingon ito sakin. "Maawa ka naman sa sarili mo Andrea. Wag mong patayin ang sarili mo, dahil lang mahal na mahal mo si Alexander."

Umiyak lang ako ng umiyak dun. Hindi na ko nagsawang umiyak. Hindi na ko nagsawang masaktan ng paulit-ulit.

"Sorry mga girls! Grabe ang traffic sa edsa!" sabay sabay naman kaming napalingon at nakita namin si Bob ang manager namin tatlo sa modeling.

"Oh anong nangyayari?" nagtatakang tanong nito samin. Pinunasan ko agad yung mukha ko gamit ang kamay ko dahil ayokong makita ako ni Bob na ganto ang itsura ko.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon