Andrea Danae
It's been a year simula ng magsimula ulit kami ni Xander at masasabi ko na everything is worth it. Nakikita ko yung pagmamahal niya. Yung pag aalaga niya sakin. I can say na bumabawi talaga siya sa mga kasalanan niya ngayon. And masasabi ko din na masaya na masaya ako ngayon.
Siguro kung magkakaroon man kami ng mabibigat na pagsubok. Makakaya na namin dahil I know this time hindi na ko nagiisang lumalaban para sa relasyon namin. Hindi kagaya dati.
Siguro napagdaanan namin yung ganung bagay para mas lalong maging matured kami para mas kakayanin na namin lahat at wala ng makakapag guho ng pagmamahalan namin.
Narealize ko na kapag nagmahal ka pala ng tao. Kailangan mo din mahalin yung pait at sakit, kailangan mong tanggapin. Dahil parte ng pagmamahal ang masaktan, umiyak at mawalan.
Ngayon okay na din ang family ko kay Xander napatawad na din nila ito. Tinanggap ng buo ulit. Kasi halata naman kay Xander na sobra niyang pinagsisihan yung mga nagawa niya noon. Pero hindi ko nakita yun noon because iniintindi ko lang yung nararamdaman ko at hindi yung kanya, kasi nga galit ako nung mga panahon na yun.
Healing takes time. At naniniwala ako dun. It takes courage to forgive other. Kasama sa buhay yan. Sometimes you're up and sometimes you're not. That's how we learn, that's how we grow up.
Kaya hanapin niyo yung taong lahat worth it. Yung deserving sa pagmamahal niyo. Yung hindi itatapon o ibabasura na lang.
Love is always worth it lalo na kapag tamang tao yung pinaglalaban mo.
Now, kinasal ulit kami ni Xander. This time we vow that we will love each other unconditionally no matter what the situation is.
"Hon!" tawag sakin ni Xander.
"Wait lang babe, nahihilo talaga ko tapos nasusuka pa ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka ganito." sabi ko kay Xander habang naka harap sa toilet.
Last week pa nga akong ganto eh. Pagka umaga o kaya yung mga kinakain ko sinusuka ko lang. Yung gusto ko naman na pagkain noon ayaw kong kainin. Tas yung ayaw kong pagkain noon gustong gusto ko siyang kinakain ngayon.
Weird.
"Buntis ka ba?"
Nanlaki mga mata ko sa narinig ko.
Hindi kaya... hindi kaya..
BUNTIS AKO?!
Hindi naman din kasi imposible eh. Halos araw araw. Walang tigil namin ginagawa yun. Pag gising. Sa tanghali. Sa gabi hanggang madaling araw.
"OH SHIT! You gotta be kidding me honey!" mangiyak ngiyak na sabi ni Xander
"I'm not baby."
"Magiging daddy na ko????"
"Yes?"
Tumayo siya bigla tapos nagsisigaw sa loob ng banyo. Hayyy.
"IM GOING TO BE FATHER!!!" sigaw niya ng paulit ulit.
Tinignan niya ko at hinalikan ng madiin sa labi. I smiled.
Tagal na din namin tong inaantay ano?
Kinarga niya ko at inikot ikot. "Babe! Baka madulas tayo. Tas nahihilo ako!!" sigaw ko pero hindi niya pinakinggan sinasabi ko.
Hinalikan niya yung tyan ko at "Hey there little bud. I'm going to be your tatay!!" kitang kita ko yung excitement niya sa mata niya.
Bigla na lang nagtubig yung mata ko. Oh ghad why am I so emotional?!
"Bakit ka umiiyak?! May masakit ba sayo?!" he panicked tas binaba ako
Umiling uling ako. "Wala sobrang saya ko lang."
"Mas masaya ako. I love you and our baby. Mahal na mahal na mahal na mahal kita." he kissed me passionately with full of love.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...