Andrea Danae
"Napanood mo na ba yung balita sa tv? Nabasa mo na ba yung news paper?" tanong sakin ni Bob mula sa kabilang linya.
Napabuntong hininga ako at pumikit ng mariin bago ko siya sinagot. "Yes." maikling tugon ko.
Napahawak ako sa sentido ko dahil kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa mga napapanood ko at nababasa ko. Well it's about Alexander, siya kasi ang hot topic ng balita ngayon dahil yung nangyari sa El Nido.
Naging tahimik ang kabilang linya pero alam kong andun pa rin si Bob. Tumikhim ako. Bago magsalita mula sa kabilang linya. "Bob.."
"Hmm ano yon? May plano ka na ba para maayos yang problema niyong mag asawa?" tanong nito at naiimagine ko ng naka taas ang kilay nito habang tinatanong niya ko.
"Actually yes." I said.
"Well that's great!" ramdam na ramdam ko sa boses niya ang relief dahil kahit siya ay hindi pinapatahimik ng mga reporters.
Naging tahimik ulit ako dahil alam kong tututol siya sa naging desisyon ko. "So what now? Spill!" sabi pa niya.
Bumuntong hininga ulit ako bago sumagot. "I'm flying back to Paris."
"Whaaaat??!!!" sigaw niyang tanong sakin sa kabilang linya. Nilihis ko ng onti yung telepono sa tenga ko dahil nakaka bingi ang sigaw niya.
"Are you out of your mind Andrea?!" singhal niya sakin.
"Alam mo kung magkasama lang tayo for sure matutuktukan kita! Nakuuuu nakaka imberyna ka!" he said at alam kong umiirap ito.
"Eh Bob that's the only way I know." I sighed.
"Andrea please! Utang na loob lang ha. Wag mong tatakbuhan ang problema mo! Face it, hindi mawawala yang hangga't hindi mo hinaharap! Maging matapang ka naman. Wag duwag. Walang mangyayari nyan." sabi niya.
"Bob--"
"Stop reasoning okay? Kesyo ganto kesyo ganyan! Palambutin mo naman kasi yang puso mo. Baba baba din ng pride pag may time ano?" inis na inis niyang sambit.
"Bob I need more time." sagot ko.
"What the hell Andrea! Hindi pa ba sapat yung ilang taon?! Mygash. Pumuputi ang buhok ko sayo! Ano? Kailan mo haharapin yang problema mo? Kung kailan gurang ka na?!" napabuntong hininga siya dahil sa inis na nararamdamn niya.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...