Chapter 41

122 6 0
                                    

Andrea Danae

Paalis na kami ng El Nido dahil kakatapos lang din ng photoshoot ko. Hindi ko na din naisipan mag tagal pa ng isang araw dun sa hotel dahil kinabukasan may photoshoot naman ako sa Vigan. Gabi na ng mapagisipan namin umuwi, pero nauna na sila Bob sa may lobby at iniwan kaming dalawa ni Alexander.

Malilintikan talaga sakin ang baklang yun kapag naka baba ako sa lobby! Hindi na ko natutuwa sa ginagawa nila.

Naka sunod lang sakin si Alexander na kasalukuyan hila hila ang maleta ko at maleta niya. Hinayaan ko na lang siya at nag antay ako sa may tapat ng elevator. Maya maya pa bumukas na ito at sumakay na kami ni Alexander. Nanatiling tahimik ang paligid namin pag pasok sa elevator.

"Bakit uuwi ka kaagad?" basag nito sa katahimikan.

"May photo shoot pa ko bukas." malamig kong sagot sakanya.

Tumango na lang siya at bumuntong hininga. Maya maya pa tumigil ang elevator. Akala ko may sasakay pero hindi na ito umandar.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.

"I-I don't know." sagot ni Alexander at pinipindot ang button sa elevator pero hindi ito bumubukas.

What the hell. Ngayon pa?!

"Don't even tell me Alexander nasira ang elevator?" naiinis na tanong ko

"Hindi ko din alam. Look! It's not even opening. How will I know?" sabi niya at pinipindot pa rin ang button sa elevator at hindi nga ito bumubukas.

Shit! Napasapo ako sa noo ko. Ngayon pa ba? Kung kailan umiiwas ako sakanya. I need to call Bob at sabihin sakanya na naka stuck kami sa elevator, pero pag hugot ko ng cellphone ko sa bulsa ko. Hindi naman din ito nakisama at no signal ang naka lagay dito!

"Anong tinitingin mo dyan? Do something!" I hissed at him.

"Wala din signal sa phone ko." he said.

"Fuck! No way." naasar na sabi ko at tinaas ang cellphone ko at matiyagang naghahanap ng signal.

Pero bigo ako.

Umabot ng 10 minuto. Naging 30 minutes at hanggang sa naging isang oras pero wala pa rin.. hindi pa din bumubukas yung elevator! Bakit kasi ngayon pa?!

Kasalukuyan kaming naka upo ng magkatapat ni Alexander sa may lapag ng elevator at nanatili kaming tahimik. Ako naman ay naghahanap pa din ng signal, pero sadyang nangalay na yung braso ko wala pa rin kaya tinigil ko na ang paghahanap at wala akong magagawa kung hindi ang mag antay rito.

I don't want to be with him for so long. Please.

"Ayaw na ayaw mo na talagang makasama ako no?" may bahid ng lungkot at sakit sa pagkaka sabi niya.

"Sino ba naman gustong makasama ang taong walang ginawa sayo kundi ang saktan ka?" I said with full of bitterness.

He laughed, pero alam kong hindi totoo yun. "That's why I will make it right this time, Ands..." he looked at me with full of longing. "Kung bibigyan mo lang ako ng chance ulit. I swear hindi ko na magagawa ulit yun." dagdag niya pa.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon