Andrea Danae
"Hi Hannah." naka ngiti kong bati sa secretary ni Xander.
Gulat ang rumehistro sa mukha nito. Pero agad din bumawi ng ngiti. "Hello po Ma'am long time no see. How may I help you po?" magalang ang pagkakasabi nito.
Namiss ko din pumunta dito sa opisina ni Xander dati kasi lagi akong andito at dinadalahan siya ng pagkain minsan naman pupunta ako dito para sabay kami kumain ng lunch o di kaya tatambay lang ako sa loob ng napaka laki ng opisina at maghaharutan lang kami. Oh how I miss it, so much.
"Si Sir Xander mo?" naka ngiti pa rin ako hanggang ngayon dahil naalala ko nanaman yung nangyari kagabi samin ni Xander. I blushed.
"Uh-uhmmm..." nag aalangan pa itong sagutin. Ano bang meron?
"Nasa loob po siya Ma'am." pormal na sagot nito
"Okay thank you. Pasok na ko ha?" sabi ko.
Kitang kita ko ang hesitation sa mukha niya, pero ngumiti ulit ito sakin at tumango na lang bilang sagot. Pero bago ako pumasok sa office ni Xander nilingon ko siya at sinabing namiss ko siya dahil siya ang kakwentuhan ko kapag busy si Xander sa mga meetings niya noon.
"Shopping ulit tayo ha pag may time ka, namiss talaga kit Han." sabi ko rito.
"Sige po Ma'am." pag sang ayon nito sakin
"Wag na Ma'am, masyado ka namang pormal." biro ko rito. Tumawa na lang ito at agad dumiretso papasok sa office ni Xander.
Pero gulat naman ang rumehistro sa mukha ko ng masaksihan ko ang nakikita ko sa loob ng opisina ni Xander... napaka sakit. Akala ko last na yung sa bahay pero hindi pala. Kala ko pag inangkin niya ko ulit, okay na akala ko lang pala...
She's kissing a girl at naka angat ng onti ang suot nitong dress naka paibabaw ito sa lamesa ni Xander.
Nang hindi ko na makayanan yung nakikita ko lumabas ako sa office ni Xander. Pinipigilan kong hindi maiyak pero traydor ang mga luha ko dahil kusa itong lumalabas sa mga mata ko.
"Hannah paki bigay na lang itong niluto ko para kay Xander." nanginginig ang boses ko.. gusto ko na lang mag break down at umiyak dun dahil hindi ko na kaya.
"Ma'am. Okay lang po kayo?" nag aalalang tanong nito.
I faked smile and nod my head. Hindi ko na to inantay magsalita pa dahil dali dali akong sumakay sa private elevator.
Nang sumara ito. Agad akong napaupo dahil sa panghihina ko. Walang sawang tumulo ang luha ko. I cry harder and even harder. I want this pain to stop.
Thanked God dahil ako lang ang magisa dito sa elevator at malaya akong ilabas yung sakit na nararamdaman ko ngayon, dahil sigurong magtataka ang mga empleyado ni Xander at baka pagtawanan pa ko. Nang malapit na sa ground floor ang elevator nanghihina man ako pinilit kong tumayo at pinunasan yung luha ko. Tinignan ako ang reflection ko sa elevator. Namumula ang ilong ko pati na din yung mata ko.
Nang tumunog na yung elevator, agad akong lumabas dito pero nahalata ata ng ibang mga employees na namamag ang mata ko. Kaya nagtataka silang napapalingon sakin nginingitian ko na lang sila.
May mga iba pang employees na nagpapicture sakin. I didn't refuse bagkus ngumiti ako sa haral ng camera kahit gustong gusto ko ng umiyak. Yung mga iba nagtitilian pa dahil nakapag papicture daw sila sakin. I smile at them na para bang wala akong problema na hinaharap.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...