Andrea Danae
"Bakla! Sorry talaga hindi ko naman sinasadya eh." hinging paumanhin ni Bob sakin.
"Iwave mo na lang ako contract Bob." sagot ko rito.
"Yun na nga ang problema eh.." sabi ni Bob at kumamot sa ulo niya.
Napakunoot naman ang noo ko. "Ano?" tanong ko.
"Eh kasi..." kinakabahan na sabi ni Bob sakin.
"Ano nga?!" medyo tumaas na ang boses ko.
"Hindi pumayag ang management mo na iwave mo ang contract." sagot niya.
"At bakit?!"
"Naka pirma ka na dun Ands besides napasa na nila." sabi nito.
"Do anything para maicancel ang contract ko." I sighed napahilot naman ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko kay Bob.
"Sorry talaga Ands, ginawa ko na lahat ng makakaya ko. Sa ayaw at gusto mo kailangan mong sundin ang contract kung hindi idedemanda ka nila. Masisira ang image mo bilang sikat na model." mahabang tugon nito.
"But I can't Bob." nanghihina kong sabi rito.
"Anong nangyayari dito?" bungad ni Agnes samin na kakapasok pa lang dito sa apartment namin kasunod naman niya si George.
"Yang mga mukha niyo parang namatayan eh." dagdag pa ni George.
"Uuwi ako ng Pilipinas." sagot ko
"WHAT?!" gulat na gulat na tanong nilang dalawa."Yes guys, you heard it loud and clear." sabat naman ni Bob.
"Teka! What made you change your mind at uuwi ka ng Pinas?" nagtatakang tanong ni George.
Alam nilang lahat na hindi pa ko ready bumalik sa Pinas. I'm still at process kahit pa sabihin na tatlong taon na ang nakaka lipas simula ng iwanan ko lahat ng sakit.
"It's my fault, hindi ako nagbasa ng contract ko. Pinirmahan ko kaagad. Kanina lang din ako sinabihan ni Bob na sa Pilipinas pala gaganapin ang shoot ng 5 kong bagong project." paliwanag ko sakanila at nagbuntong hininga.
"Pwede naman iwave ang contract mo right?" tanong ni Agnes.
"Hindi pumayag ang management at naipasa na daw nila. Kaya wala ng bawian." si Bob naman ang sumagot.
"Saglit ka lang naman doon diba?" tanong ulit ni Agnes.
Bigla naman akong nanghina. Ayos lang sakin kung dalawa hanggang apat na buwan lang ako sa Pinas kaso hindi eh. "I'll be staying there for 1 year." I sighed.
"1 year?!" gulat na sabi ulit nilang dalawa.
"Yes. Dahil hindi basta basta matatapos ang project niya. 5 magazine ang icocover niya." sagot ulit ni Bob.
"Napaka tagal naman nun." reklamo ni George.
"Wala na tayong magagawa." I sighed. Problemadong problemado ako dahil hinding malabo na hindi kami magkikita ni Xander.
"Kailan pala ang alis mo?" tanong ni George
"After 2 days." sagot ko.
*****
Dumating na ata ang araw na pinaka kinakatakutan ko, yun ang uuwi na ko sa Pilipinas. Mabilis lumipas ang dalawang araw at ngayon nandito na ko sa airport para sa flight ko patungong Pinas.Malakas na tumitibok ang puso ko kulang na lang matanggal ito sa dibdib ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
"Siguro sapat na yung tatlong taon dapat handa ka ng harapin siya Andrea dahil mo naman siya pwede taguan habang buhay." yun ang tumatak sakin na sinabi nila.
At ngayon naglalakad na ko patungong departure area. Hindi pa rin naalis ang kaba sa dibdib ko.
Ito na ba ang tamang panahon para magkita kami? Sapat na ba yung ilang taon?
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...