Andrea Danae
Namumugto ang aking mga mata pagka gising ko ng umaga pero hinayaan ko na lang ito napatingin ako sa kabilang side ng kama at nakita ko ang asawa ko na mahimbing na natutulog pa rin. Tinignan ko ang oras at nakita kong its still early kaya naman napagisipan kong handaan ng almusal si Xander. Since nag away nanaman kami kagabi, at kailangan kong bumawi dahil kasalanan ko naman din.
Dali dali akong bumaba at dumiretso sa kusina, I decided to cook his favorite food adobong baboy. Lagi niyang sinasabi na gustong-gusto niya yung mga luto ko lalo na ang paborito niya. Napangiti naman ako habang nagluluto, tinikman ko ito at dinagdagan ng onting toyo pagkatapos nag antay ako ng ilang minuto at pinatay na ang stove.
Naka ngiti pa rin ako habang naghahain sa dining table, sigurado akong magugustuhan to ni Xander! At for sure magiging okay na kami. Natapos na kong maghain at saktong bumaba na si Xander.
"Goodmorning!" masigla kong bati sakanya. Bagong ligo ito at naka suot na ng three piece suit. Mukhang handa na siya para pumasok sa trabaho.
Ang pogi pogi talaga ng asawa ko! Nakaka laglag panty!!
Pero tinitigan niya lang ako ng napaka lamig. Mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sakin ngayon. Hay.
Gusto ko ng kalimutan yung nangyari kagabi, kahit masakit para sakin kagaya nga ng sinabi ko hindi ako basta susuko na lang, kasi mahal na mahal ko ang asawa ko at willing akong gawin lahat basta wag lang siya mawawala sakin dahil hindi ko kakayanin...
"A-ahhh... ku-kumain ka n-na, na-nagluto a-ako." utal kong sabi.
"No need." malamig na tugon niya sakin tsaka dumiretso papunta ng labas.
Sinundan ko siya hanggang sa parking lot ng bahay namin, hindi ako nagpatinag! Hindi siya pwedeng pumasok sa work ng hindi man lang kumakain ng breakfast.
Naka tayo lang ako sa gilid ng kotse niya, at inaantay ko na pansinin niya ko pero hindi naman niya ko pinapansin. Masakit sakin ang baliwalain niya ko pero okay lang sakin handa akong magtiis, basta hindi ako susuko and that's final!
"Xander, kumain ka muna ng breakfast bago ka pumasok ng office." sabi ko sakanya. Kaya naman napatigil siya, dapat kasi sasakay na siya sa kotse niya.
"Hindi ako gutom."
Napapikit ako ng mariin dahil ramdam na ramdam ko ang lamig sa mga boses niya.
"Kahit hindi ka gutom, kumain ka kahit onti lang." pagpilit ko pa.
"Sinabi ng hindi ako gutom eh! Bat ba ang kulit kulit mo? Ha?!" singhal niya, bahagya naman akong nagulat.
Napayuko na lang ako at pumikit dahil ito nanaman ang mga luha ko nagbabadya nanaman kasing pumatak... naninikip ang dibdib ko dahil sa ganitong kalagayan namin mag asawa. Napamulat na lang ako ng malakas niyang sinara yung pinto ng kotse niya at dali daling umalis ng parking lot.
"Mag iingat ka sa pagmamaneho ha! Mahal na mahal kita!" habol kong sigaw kahit alam kong di niya na ito maririnig, at bago ito maka alis kumaway kaway pa ko na parang bata.
Napabuntong hininga naman ako at malungkot na ngumiti. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at pumunta ulit ng kusina. Nanghihinayang akong napatingin sa hinanda kong pagkain kaya naman ang ginawa ko nilagay ko na lang ito sa ref para kapag nagutom ako pwede ko itong initin.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...