Chapter 36

138 6 1
                                    

Alexander Liam

"Hindi mo na ba talaga ko mahal?" umiiyak kong tanong kay Andrea.

Pero nanatili siyang walang kibo at walang sagot. Sa sofa ako natulog kagabi kapag tapos ng pag aaway namin ni Andrea. Hindi din ako nakatulog dahil buong gabi din akong umiiyak at sobra akong nasasaktan. Hindi na ba talaga namin maayos lahat ng to?

"Sige.. fix yourself at iuuwi na kita.." nagsimula nanaman tumulo ang luha ko.

Hindi ko na kaya... masakit eh.

Ang gago ko kasi kung sana pinahalagahan ko siya noon sana maayos at masaya kami ngayon. Sobra na kong nag sisisi hindi pa ba sapat yun? Gagawin ko naman lahat eh huwag lang ganto. Huwag lang siyang sumuko, huwag niya ulit akong iwanan.

Tinalikuran niya lang ako at dirediretsong pumunta ng kwarto para mag ayos. One week in this island was just a waste.

I immediately grab my phone at tinawagan ang mga kaibigan at pamilya ko kasama na din ang pamilya ni Andrea.

Yes, kasama ko sila sa planong to. Hindi din biro ang pinagdaanan ko sakanila bago sila pumayag sa plano ko. Halos lumuwa ako ng bato at umiyak ng dugo para lang pumayag sila.

Nanghihina ako, hindi ko na kakayanin na mawala pa yung buhay at mundo ko. Mababaliw na ata ako, pero ayoko na siyang masaktan pa kaya mas pipiliin ko na ako na lang ang masaktan.

Naghintay pa ko ulit ng ilang oras tsaka siya lumabas ng kwarto. Naka shorts at tshirt ko lang siya tapos naka tsinelas.

"Ano pang tinitingin tingin mo dyan? Ihatid mo na ko." sambit niya.

Tungo lang ang naisagot ko at maya maya nagsimula na kong paandarin ang yate. Ang bakla man tignan pero umiiyak ako habang pinapaandar yung yate.

Nang makarating na kami ng pangpang para bang onti onti na kong nawawalan ng buhay. Para na kong tinatanggalan ng hangin. Hindi na ko maka hinga at nagiging malabo na din ang paningin ko.

Tuluyan na siyang bumaba at sumunod ako nakita niya ang pamilya ko, pamilya niya at mga kaibigan ko pati na rin yung mga kaibigan niya.

"Anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong niya.

Pero hindi sila sumagot at nanatiling tahimik at naka tingin sakin na malungkot dahil alam nilang hindi nag work out ang plano ko.

"Sabi na eh. Kasama kayo sa planong to." iling iling niyang sabi. At tuluyan ng naglakad.

Pero dahil hindi ko kaya, pinigilan ko siya. Hinakawan ko yung braso niya ng sobrang higpit.

"Andrea... please one last chance." I pleased while crying. Wala na kong pakialam kahit mag mukha akong tanga o kaawa awa sa harap nila pero ayoko na siyang mawala.

"Let go of me." may diin ang pagkakasabi nito.

"No. Please. Pag usapan natin to oh. Wag mo kong iwan." I desperately said.

"Tigilan mo na ko sabi eh!" sigaw niya.

"Dude let go.. tama na to." sabi sakin ni Matt.

Umiling iling ako, for the last time. Kinain ko ang natitirang pride at ego ko. Lumuhod ulit ako sa harapan niya.   Umiiyak at nag mumukhang tanga pero ayus lang.

"Please... sige naman na oh.. alam ko meron ka pang onting pagmamahal para sakin.." pag susumaamo ko sakanya.

Pero tinignan niya lang ako. Same expression. Para bang sinasabi niya na wala na talaga siyang pake para sakin.

"Huwag naman ganto, hindi ko kaya eh." niyakap ko ang mga binti niya.

"I don't care kung mag mukha akong tanga. But please come back to me." sabi ko pa.

"Ano ba?! Ang kulit kulit mo!! Sinabi ko na ngang ayoko na! Naiintindihan mo ba?! Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!! Bitawan mo na ko." sigaw niya.

Maya maya pa inaawat na ko ng mga kaibigan ko at tuluyan na siyang naglakad palayo sakin.

"Pre bitawan niyo ko. Hahabulin ko siya." pag pupumiglas ko pa habang umiiyak.

"Pre tama na.. hindi na worth it.." mahinahon na sabi ni Euge sakin.

"Anong hindi?! Worth it siyang ipaglaban. Kaya bitawan niyo na ko.." pag pupumiglas ko pa.

"Hindi mo ba naiintindihan? Ayaw na nung tao.." sabi ni Luke.

"Bitawan niyo ko sinabi eh!! Tangina." sigaw ko.

"Sige! Bitawan niyo siya! Hayaan mo siyang mag mukhang tanga." sigaw ni Matt.

"Hindi ka na mahal nung tao Alexander!!" sigaw ni Red.

Maya maya pa. Tumahimik ang paligid at tanging iyak ko na lang ang naririnig sa buong paligid.

Humagulgol ako sa harap ng mga kaibigan ko. Wala akong pakialam kung mag mukha akong mahina sakanila pero tangina ang sakit sakit.

"Mahal na mahal ko si Andrea eh.. mahal na mahal ko." iyak ko pa.

Yumuyogyog ang mga balikat ko at hindi na ko maka hinga sa kakaiyak. Nalupasay ako sa buhangin.

"Tangina.. ang sakit sakit na pakawalan siya.. ayoko ng ganto.."

"Please naman ibalik niyo si Andrea sakin."

"Pre awat na.. tama na to. Siguro sapat na yung ilang taon mong pag durusa." sabi nila at umiling iling.

Hinayaan lang nila akong umiyak at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.




I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon