Chapter 15

165 9 1
                                    

Andrea Danae

Pagkatapos kong pumunta sa hospital napagisipan ko munang pumunta kila Mommy, ayoko muna sanang umuwi. I need distractions. Malulungkot at paniguradong iiyak nanaman ako pagka umuwi ako sa bahay namin ni Xander. Makaka alala ng masasayang alala namin dun. Kaya ayoko munang umuwi, magmumokmok lang ako dun.

Nang pumasok ako sa loob agad akong binati ni Yaya Isme. "Andrea!"

"Yaya!" masigala kong bati at tumakbo rito para yakapin ng mahigpit. Miss na miss ko na si Yaya Isme, siya kasi ang nag alaga sakin simula nung bata ako kaya malapit talaga sakin tong si Yaya. Hindi ko din alam ang gagawin ko kapag nawala siya.

"Kamusta ka na? Tagal na natin hindi nag kikita jusko kang bata ka." sabi nito.

"Okay lang po ako Ya." sagot ko. Pwede na ata akong tamaan ng kidlat ngayon kasi nag sisinungaling ako na ayos lang ako kahit I'm dying inside.

Tumingin tingin pa ito na para bang iniimbestigahan ako. Kaya nagtaka naman ako at hinawakan ang mukha ko. May panget ba sakin?

"Hmmmp! Hindi ka okay." sabi nito.

"P-po?" nagulat kong tanong. Halatang halata bang nagsinungaling ako kanina? O di kaya may alam na sila sa nangyayari samin ni Xander.

"Halata naman hija." sagot nito.

"Si Yaya talaga! Masyadong joker!" I faked laugh.

Pero mukhang nahalata din nito ang pag peke ko ng tawa kaya ganun din ang ginawa niya. "Pati pag tawa peke pweee!" sabi niya.

"Uhmm Yaya sila Mommy po?" pag iba ko ng topic.

"Magaling din mag iba ng usapan, tsktsk." bulong niya at umiling iling pa. Pero nagpanggap na lang akong wala akong narinig.

"Nasa Laguna sila may pinuntahan na event tas ang mga Kuya mo nagbakasyon sa Singapore." sagot nito.

"Ganun po ba Ya? Sige po akyat lang ako sa kwarto ko at magpapahinga po ako." paalam ko rito at naglakad patungo sa hagdan.

"Andito lang ang Yaya Andrea, kung gusto mong umiyak sakin ay ayus lang." sabi pa ni Yaya bago pa ko makahakbang sa hagdan.

Nilingon ko ito at malungkot ang ngiti na binigay niya sakin. Kaya naman tumakbo ulit ako sakanya pabalik at niyakap ko siya nagsimula nanaman pumatak yung luha ko. Tahimik akong umiyak sa balikat ni Yaya. Hinawakan niya ang likod at hinagod hagod to na mas lalo pang nagpaiyak sakin.

"Sige lang iyak mo lang yan Andrea. Balang araw ay mawawala din ang sakit na dinaranas mo ngayon." pag comfort nito sakin.

"Ya...." nanghihinang sambit ko rito.

"Shhhh ayus lang anak. Ilabas mo lang handang makinig si Yaya." pag alo nito sakin.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon