Chapter 26

149 8 2
                                    

Andrea Danae

"Andrea!!!" patuloy pa rin siya sa pag sigaw sa labas ng kwarto ko.

Galit na galit na nakatupi ang kamao ko maya maya pa't tumulo na ang luha ko... dahil sa poot na nararamdaman ko para sakanya.

Ito na ang huling iyak ko sakanya, dahil ngayon sinisigurado ko na magsisi siya sa lahat ng pang gagong ginawa niya sakin. Sa lahat ng pananakit at pagpapaiyak niya sakin.
Ito na ang huling beses na makikita ko siya dahil makikipag hiwalay na ko sakanya.

Nag stay pa ko sa hospital ng isang linggo at isang linggo din akong pinupuntahan ni Xander pero hindi ko siyang hinahayaan na makapasok sa kwarto ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko sakanya pag nagkataon.

Dito muna ako sa bahay ng mga magulang ko. Aantayin ko lang ang annulment papers namin ni Xander at aalis na ko ng bansa. Itutuloy ko ang modeling career ko sa Paris. Taimtim akong nag iisip dito sa garden ng biglang may nagwawala sa labas ng mansyon. At alam ko kung sino iyon.

Lumabas ako at tinignan ko siya ng puno ng galit at wala ng iba pang emosyon.

"Andrea.." nang hihinang banggit niya sa pangalan ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pangungulila at lungkot. Pero wala akong pakialam dun.

"Ands let's talk please.." he beg. Tignan natin kung anong pakiramdam na magmakaawa sa taong mahal mo para kausapin ka lang.

"Umalis. Ka. Na." sabi ko ng may diin.

Pero lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko. Nakita ko na nang gigilid ang luha niya sa mga mata niya. Pero ni bahid ng awa wala akong naramdaman.

"Hon..." this time nakita kong tumutulo na ang luha niya.

Nagpumiglas ako sa pagkaka hawak niya. "Wag mo kong hawakan! Nandidiri ako sayo!" singhal ko sakanya.

"Wa-wag naman ganito..." umiiyak na sabi niya.

Tinalikuran ko na siya dahil ayoko na siyang makita pa... mas lalo lang niyang pinapaalala lahat ng pinaramdam niyang sakit sakin noon.

Hinila niya ang braso ko pero dahil sa galit ko sakanya sinampal ko siya ng malakas. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha ng mga body guards at nila Yaya Esme pero wala akong paki sakanya!

"Kausapin mo ko... pakinggan mo ko." tuloy pa rin niya sa pag mamakaawa sakin

"Wala na kong panahon sayo." gigil na sabi ko sakanya.

"Sige na.... p-please...." umiiyak niyang pakiusap.

"Luluhod ako.. o kahit ano gagawin ko lahat para sayo, para lang kausapin mo ko.. para lang patawarin mo ko." hagulgol na sabi niya.

Onti onti siyang lumuhod sa harap ko at humagulgol kumapit siya sa binti ko. "Please... patawarin mo ko. O-oo naging gago ako.. sinaktan kita pero nagsisi na ko Hon.. sobra sobra.." iyak pa niya.

"Bitawan mo ko." yun lang ang sinabi ko sakanya at onti onting tinatanggal yung pagka kapit niya sa binti ko.

"No no no..." hinigpitan niya ang pagkaka hawak sa binti ko at nanatiling naka luhod sa harapan ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap..." yumuyogyog ang balikat niya sa kakaiyak.

"Guards please paalisin niyo na siya dito."

"Nagmamakaawa ako sayo Andrea... wag ganto. Diba mahal mo ko? Mahal na mahal kita. Pakiusap..." umiiyak pa di siya.

"Gusto mong marinig yung totoo ha?! Gusto mo?!" sigaw ko sakanya, at hinawakan ko ang braso niya ng sobrang higpit pero hindi siya nagreklamo. Marahas ko siyang pinatayo sa pagkaka luhod niya.

Pinagsasampal ko siya ng madaming beses! "Kulang pa to sa mga ginawa mo sakin! Hayop ka!!" sigaw ko at pinagsusuntok ko siya sa dibdib.

Hindi niya dinadaing ang bawat sampal at suntok ko sakanya. Pero nanatili pa rin siyang umiiyak.

"Pinatay mo ang anak ko!!" nabasag ang boses ko.

"Pinatay mo siya!!! Wala kang awa!" hagulgol ko. Hinampas konpa rin siya ng hinampas.

Pero napigilan niya ko at niyakap ako ng mahigpit pero nagpupumiglas ako. Nang magtagumpay ako tinulak ko siya.

"Umalis ka na sa buhay ko! Dahil hindi na kita mahal!!" sigaw ko sakanya at tinalikuran ko siya.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon