#5 - Pasensya, Wala Na

4.5K 92 7
                                        

#5 - Pasensya, Wala Na

I

Kung dati adik na adik ako sa'yo,

Ngayon 'di na muling titibok ang puso

Na dating laan lamang para sa iyo.

Mawawala ka na rin sa isipan ko.


II

Pasensya ka na, 'di ko na maramdaman

Init at saya tuwing nakikita ka.

Hindi naman kita kinasusuklaman.

'Di lang masabi ulit ang "Mahal kita."


III

Wala na, siguradong walang-wala na

Ang damdamin ng tunay na nagmamahal.

Mistulang nawala 'to na parang bula

Na dating dala ng hangin ng tadhana.


IV

Pasensya, wala na akong maibigay.

Naubos kasi kaya ako bumigay.

Ikaw na lang ang magmahal, dating sinta

Sa sarili mo na 'di ko na magawa.


V

Paalam sa'yo, at sa nadama noon.

Dati akong nahulog, ngayo'y aahon.

Hindi mo kasi ako sinalo noon.

Nasaktan, natuto, at ngayo'y bumangon.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon