#95 - Stephen

133 0 0
                                    

#95 - Stephen

I

Sa bagong lugar at bagong mundo,
Ikaw agad ang napansin ko.
Anuman ang gawin mong kalokohan,
Napalampas dahil sa kagwapuhan at katalinuhan.



II

Sa pagsingkit, sumabay ang paglalim mong tumitig
Na sa akin ay nakadala at talagang nakaantig.
Sa bawat ngiti mo kaya'y nakita mo
Ang aking matamis na pagtingin sa'yo?



III

Gaya ng iba'y naging magkaibigan
Naging kasama sa ilang kalokohan.
Napuno ng iba't ibang asaran at laro
Ang silid ng mga nasa ikapitong grado.



IV

Hindi nagtagal, iyo nang nalaman
Ang aking tunay na nararamdaman.
Biglang tumigil ang lahat ng kasiyahan.
Bigla mo na rin akong iniwasan.



V

Hindi na ako naging masaya sa mga biro.
Nagbuklat na lamang ako ng mga libro.
Hinayaan ko na lang siya na maging masaya
Sa mga bagay na wala namang mapapala.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon