#9 - Akala Ko

3.2K 66 0
                                    

#9 - Akala Ko

I

Binabati ko kayo.

Masaya ako para sa inyo.

Hawak mo ngayon ang kanyang kamay,

Ang babaeng nagsisilbing iyong buhay.


II

Ako ay isa sa iyong malalapit na kaibigan.

Ako ay isa sa mga nariritong nakangiti.

Yakap mo sa kanya ay aking tinitingnan

At sa nakalapat mong labi sa kanyang pisngi.


III

Lubos akong nagagalak para sa inyong dalawa.

Sana ay kayo talaga para sa isa't isa.

Huwag mo siyang bibitawan,

Sapagkat alam kong siya ang iyong saya.


IV

Ako ay naririto sa ating dating tambayan.

Tanaw na tanaw ang inyong pagmamahalan.

Walang pagdadalawang-isip na ako ay muling ngumiti

Ngunit kasabay niyon ngayon ay luha ng sawi.


V

Akala ko kaya ko nang matanggap.

Akala ko kaya ko kahit ang magpanggap.

Akala ko kaya ko nang maging masaya

Ngunit hindi pa pala.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon