#15 - Nahulog
I
Ako'y tahimik na nagmamasid
Naghihintay nang sasagip.
Tila lumilipad noon sa himpapawid
Ngunit biglang nahulog nang 'di nag-iisip.
II
Ang rason ng pagkahulog
Ay 'di pinansin ang pagkalubog.
Tila isang batong itinapon sa dagat.
Diretsong lumalim, at ang pag-iwas ay 'di sumapat.
III
Ako'y kinalimutan, binalewala.
Para bang 'di man lang ako mahalaga.
Gaano mang kasakit ang aking dinanas
Walang karapatan upang magalit nang marahas.
IV
Walang pinanghahawakang
Relasyong maipaglalaban.
Walang namagitang
'Di malilimutan.
V
Ang tanging maggagawa na lang
Ay maghintay na lamang
Ng isang taong bubuo muli
Sa pusong nasira ng sarili.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...
