#93 - Jann

114 0 0
                                    

#93 - Jann

I

Dalawang mga batang naghahabulan

Sa isang lugar na kung saan

Iba't ibang mga laro ang makikita

Lumingon ka man sa kanan o kaliwa.

     

    

II

Ang batang babae ang humahabol.

Ang batang lalake ay wala namang tutol.

Mga ngiti sa kanilang mga labi'y makikita.

Sa munting laro sila ay mistulang masaya.

     

     

III

Ramdam ang pagod ngunit tiniis.

Tibok ng puso'y patuloy na bumilis.

Napatigil sa paghabol ang batang babae

At dahan-dahang iniwan ang batang lalake.

    

    

IV

Kahit anong gawin ay hindi maabot

Kaya mas mabuti nang ibaon sa limot.

Mga bata palang at marami pang makikilala

Sa susunod na lang siguro ulit magkita.

    

    

V

Napakasarap makipaglaro.

Habulan, taguan, o kahit ano.

Ngunit nakakapagod din pala ito.

Ayoko na kaya paalam na sa'yo.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon