#63 - Ang Tula Ng Torpe

969 24 3
                                    

#63 - Ang Tula Ng Torpe

I

Hindi maggawang umamin

Kaya nabubuhay na lang sa tingin.

Pilit na nagpapapansin

Kahit minsa'y parang hangin.

      

     

II

Nararamdaman pero 'di makita.

Nawawala na lang bigla sa eksena.

Palaging malayo, palaging nakatago.

Hindi mo malaman kung duwag o ano.

    

     

III

Sasabihin ko na ba?

Huwag na muna kaya?

Mamaya na siguro.

Bukas, handa na ako.

     

     

IV

Lalapit tapos uurong.

Ilang ulit na urong-sulong.

Pinagpapawisan nang todo-todo.

Pinilit na lumapit kahit kabadong-kabado.

     

     

V

Biglang tumigil ang buong mundo

Sapagkat may nakita ako.

May kasama na siyang bago.

Ay,  naunahan na pala ako.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon