#69 - Tuldok
I
Bilog at walang kadulo-dulo
Ngunit ito ang nagsasabi ng dulo.
Itinuturing ito na katapusan.
Ginagamit upang may wakasan.
II
Nakakatawang isipin na ang bagay na ito
Na walang dulo pero nagpapahiwatig ng dulo.
Alam ko na namang tapos na
Pero bakit ako umaasa pa?
III
Tinuldukan niya na ang aming storya.
Tapos na ang paggawa ng mga alaala
Ngunit bakit 'Hindi' para sa akin?
Bakit hanggang ngayon ay siya pa rin?
IV
Minsan ang tuldok ay hindi tumatapos.
Minsan may kasunod pa ito pagkatapos.
Mas marami, mas malalim
Pagtingin sa aki'y baka sakaling lumalim.
V
Kanya nang tinapos, ang magpapatuloy ay ako.
Hangga't mahal ko pa, hindi ako susuko.
Ako'y kikilos kahit abutin pa nang matagal
Sapagkat siya sa Maykapal ay aking dinasal.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...