#73 - Alas Dose

693 12 0
                                    

#73 - Alas Dose

I

Hindi maggawang umidlip.

Ika'y nananatili pa rin sa isip.

Kahit anong gawi'y hindi mawaglit.

Humihiling muli ng isang saglit.

    

   

II

Batid na ang unan ay basang-basa

Nang dahil sa mga nahuhulog na mga luha.

Hindi na maiayos ang paghinga

Dahil sa paghikbi ko tuwina.

    

   

III

Hindi na naggawa pang magtiis.

Kumilos na agad nang mabilis.

Walang pakialam sa dilim o lamig

Makita lang ang aking daigdig.

    

    

IV

Hininga ay naghahabol

Pagod ay unti-unting sumibol.

Hindi inalintana kahit anong pagod

O kahit meron pang higit na susunod.

    

   

V

Bumagal ang mga paa

Hanggang sa tumigil na.

Dahan-dahang tumalikod na.

Meron ka na nga palang iba.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon