#59 - Aso

775 18 0
                                    

#59 - Aso

I

Sobrang saya tuwing ika'y nakikita.

Kapag wala pa, matiyagang hinihintay ka.

Hindi inaalintana kung bumagyo man

Kung ang gagawing ito ay para sa'yo naman.

     

      

II

Saan man pumunta, handang sumunod

Kahit minsan ako'y pagod na pagod.

Walang pakialam kung ako'y maghabol.

Buong atensyon, sa'yo lang igugugol.

     

     

III

Proprotektahan kita mula sa masasama,

Sa mga bagay na maaaring masaktan ka.

Payag ako kahit ako pa ang masaktan.

Huwag ka lamang makikitang luhaan.

     

    

IV

Isang tawag mo lang, agad nandiyan ako.

Gagawin ang lahat, anuman ang nais mo.

Pasasayahin kita, magmukha man akong sira.

Hayaan na lang, ang importante'y masaya ka.

      

    

V

Kahit ginagawa mo na akong tanga

Hindi ako mapapagod na mahalin ka.

Kahit minsan hindi muna akong magawang tingnan

Hinding-hindi pa rin kita kalilimutan.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon