#7 - Lumayo, Lumabo, Naglaho

3.6K 76 0
                                    

#7 - Lumayo, Lumabo, Naglaho

I

Buong sampung taon, papuntang labing-isa.

Sapat na ba ito upang makalimot na?

"Hindi" marahil ang sagot sa ngayon

Dahil ikaw pa rin hanggang ngayon.

II

Nang malaman mo noong una

Ang aking pilit na tinagong nadama

Ikaw ay nagsimulang nagbago.

Nawala na ang pagkamalapit ko sa'yo.

III

Masakit mang isipin na ika'y lumayo,

Na ikaw ay lumabo,

Na ikaw ay unti-unting naglaho,

Hindi pa rin tumigil umibig ang puso.

IV

Nawala man ang ating dati,

Nawala man ang ngiti sa'yong labi,

Nawala man ang pagkakaibigan mong sinabi,

Mananatili pa rin akong naghihintay sa tabi.


V

Iba man ang tinitibok ng puso mo ngayon,

Iba man ang iyong pakikitungo mo kesa noon,

Iba man ang pinaglalaanan mo ng panahon,

Hindi mag-iiba ang puso sa mga susunod pang mga taon.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon