#87 - VM

329 8 0
                                    

#87 - VM

I

Isang araw, sa aki'y may humikayat

Na sumali sa kanilang pangkat.

Ako ay pumayag, nakipagkilala,

Nakipagkaibigan, at nakisaya.

    

    

II

Hindi nagtagal ikaw ang nakita.

Nagtipa ng mga letra ng isang kanta.

Sa Bente-sais na mula sa isang banda,

Nagsimula ang pagbuo ng mga alaala.

    

    

III

Madalas ay sa gabi, at madaling araw

Nag-uusap, at nagbibiruan, ako at ikaw.

Ay! Dapat pala ang aking ginamit ay 'Tayo'

Ngunit 'wag na lang pala dahil wala namang 'Tayo.'

    

   

IV

Malayo nga siguro ang ating kinatatayuan

Ngunit sa'yong pinapadalang mga nota, ako'y tinatablan.

Ingles, Tagalog, Nihonggo, lengguwahe ng iyong musika.

Naggising na lang ako, na ikaw ay gusto ko na.

    

   

V

Nalulunod na naman ako, nahuhulog.

Ang aking kaloob-looban ay tila nasusunog.

Hindi mapawi-pawi ang ngiti sa aking labi

Kahit alam kong lubos ulit akong mawawasak, at masasawi.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon