#47 - Hanggang Kailan

1.1K 22 0
                                    

#47 - Hanggang Kailan

I

Hoy tanga!

Hanggang kailan ka maniniwala?

Hanggang kailan ka aasa?

Hanggang kailan ka tutunganga?

     

     

II

Hoy tanga!

Hanggang kailan ka magtitiis sa kanya?

Hanggang kailan mo siya ipaglalaban?

Hanggang kailan mo siya pahahalagahan?

    

     

III

Hoy tanga!

Hanggang kailan ka maghihintay sa wala?

Hanggang kailan ka mangangarap na mapasakanya?

Hanggang kailan ka magiging nandiyan para sa kanya?

    

    

IV

Hoy tanga!

Hanggang kailan ka manonood habang masaya siya sa iba?

Hanggang kailan ka ngingiti kahit gusto mo namang umiyak?

Hanggang kailan mo siya sasamahan tuwing siya ay iiyak?

     

     

V

Hoy tanga!

Hanggang kailan ka magpapakatanga?

Napatawa ako habang nanlalabo sa luha ang aking paningin.

Kinakausap  ko na naman pala ang sarili ko sa salamin.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon