#1 - Ang Martir

11.3K 167 41
                                    

#1 - Ang Martir

I

Alam nang hindi puwede, patuloy pa.

Tuloy pa rin, kahit ang sakit-sakit na.

Gagawin lahat para sa ngiti niya.

Hindi dadaing, kahit sobrang hirap na.
 

  
  

II

Kapag nagmamahal, nagsasakripisyo.

Mahal pa rin kahit ayaw na sa iyo.

Iniisip mo pa rin kahit malayo.

Nagsilbing inspirasyon, at nakuntento.
 

 
  

III

May mga bagay na nabibili, may hindi

Isa na ang pagmamahal na matindi.

Hahamakin ang lahat kahit na mali.

Ginagawa ang lahat hanggang sa huli.
 

  
   

IV

Siya man ang iyong minamahal, sinta.

Narito lang, magmukha mang hibang sa 'yo.

Kung siya ang dahilan ng iyong saya

Sige lang pero hindi ako susuko.
 

 
    

V

Magmukha mang sira sa iba, ayos lang.

Tawagin mang 'mangmang' ng iba, sige lang.

Masaktan, at mabigo man ay okay lang.

Basta ang puso ko ay sa iyo lamang.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon