#99 - Brian

7 0 0
                                    

#99 - Brian

I

Tahimik akong nagbabasa ng libro sa tabi

Habang nakatikom ang aking mga labi.

Bigla akong nakarinig ng kantang tungkol sa pag-ibig.

Napalingon, at napatingin sa mga matang nakatitig.
  
   
  
II

Nang mapagtanto niya na siya ay aking tinitingnan,

Bigla siyang umiwas, at nakipag-usap sa mga kaibigan.

Napansin kong patago siyang ngumiti.

Nagtaka ako kung bakit ganito siya palagi.
  
  
  
III

May nakapagsabi sa akin na ako ay kanyang gusto

Ngunit hindi naman siya umaamin mismo.

Kaya ang mga kaibigan ko'y inakala kong nagbibiro

Sapagkat baka umasa na naman ako nang todo.
  
  
  
IV

Habang naghihintay ng kanyang pag-amin,

Hindi ko na maiwasang magkagusto na rin.

Napapangiti na ako tuwing nakikita siyang nakangiti.

Napapatitig na ako kahit 'di ko naman ginagawa dati.
  
  
  
V

Akala ko ay ito na, siya na talaga

Ngunit ang lahat ay akala lang pala.

Dumating ang araw na ako'y nasaktan

Sapagkat iba ang kanyang niligawan.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon