#31 - Jeep

1.4K 25 0
                                    

#31 - Jeep

I

May mga mumunting ilaw sa paligid

Habang ako'y patuloy na nagmamasid.

Ang mga sasakyan na dumaraan

Mistulang siya, na ako'y nilalampasan.

    

    

II

Sa pagdating ng iba, ako ay sumugal.

May huminto rin nama't handang magtagal.

Ako'y lumapit at sumakay na.

Ako lang pala rito ang nag-iisa.

    

    

III

Nagbitaw na lang ako ng isang malalim na hininga.

Sana ganoon kadaling bitawan ang aming mga alaala.

Buti pa yung bayad, tinatanggap.

Itong puso ko ay wala man lang tumanggap.

     

     

IV

Lahat ng aking mga kasabay

Masaya habang may kaakbay.

Buti pa ang paninigarilyo, hindi puwede.

Ang paglalampungan, bakit segu-segundo puwede?

     

     

V

Pinigilan ang sapatos na lumipad.

Hinintay na lang na ang babaan ay tumambad,

Nang ako ay makarating na sa aking nais.

Sa sitwasyong ito, ako naman ang umalis.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon