#11 - Bilang
I
Isa, dalawa, tatlo.
Paulit-ulit na gumuguho.
Apat, lima, anim.
Sugat sa puso'y lumalalim.
II
Ilang beses nang nahulog.
Ilang beses na ring hindi sinalo.
Paulit-ulit na dinurog
Ang nag-iisa kong puso.
III
Hindi na mabilang sa dami
Mga beses na sakit ang namutawi
Sa tuwing ikaw ay lumalayo,
Sa tuwing siya ang kasama mo.
IVBawat segundo ay binibilang
Sa tuwing tayo ay nagkakatinginan.
Hindi man lumalabis ng limang bilang,
Akin iyong tinuturing na kayamanan.
V
Ilang beses mang masaktan na umasa
Na babalik pa ang ating dati,
Mananatiling sa'yo ang aking mga mata,
Patuloy na mag-aabang sa iyong dating pagngiti.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...