#27 - M.U.

2.1K 41 4
                                        

#27 - M.U.

I

Magkasama tayo palagi.

Ngiti ay hindi mapawi-pawi.

Tila hindi tayo mapaglayo

Pero wala namang tayo.
 


II

Turingan sa isa't isa ay hindi nagbabago.

Ikaw ay akin, at ako ay sa iyo.

Walang magbabago, itaga man sa bato

Pero wala namang tayo.
 


III

Sa sobrang saya ako'y nahihilo.

Tuwing nagkakausap parang nanalo sa lotto.

Iyong pagngiti'y tila ikinalundag ng puso

Pero wala namang tayo.
 


IV

Kulang sa buhay ay iyong pinuno.

Aking mundo'y iyong kinompleto.

Tingin sa isa't isa'y parang magnobyo

Pero wala namang tayo.
 


V

Dumating ang araw na ika'y nagbago

Hanggang sa naghanap ka bigla ng bago.

Sobrang sakit nang aking napagtanto

Oo nga pala, wala namang tayo.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon