#29 - Sabi Mo

1.9K 46 4
                                    

#29 - Sabi Mo

I

"Sinong mahal mo?"

"Ikaw lang," ang sabi mo.

Naniwala naman ako

Kasi ikaw rin ang mahal ko.
 

 
  
  

II

"Hanggang sa huli, tayo."

Iyan ang mga salitang sinabi mo.

'Di mawala ang ngiti sa labi ko.

Ramdam sa tiyan ang mga paru-paro.
 

  
    
    

III

"Walang magbabago."

Iyan ang pangako mo.

Ako ay sumang-ayon, napatango.

Umasang iyon ay totoo.
 

  
   
    

IV

"Hindi kita iiwan, mahal ko."

Isa pa sa mga pangako mo.

Ako naman ay nahulog lalo

Dahil sa mga sinambit mo.
 

  
    
   

V

Bawat oras, araw, at buwan ay masaya ako

Ngunit ang lahat pala ay panaginip ko

Dahil nang nagising ako, ang sabi mo,

"Break na tayo."

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon