#71 - Pakiusap

837 16 0
                                    

#71 - Pakiusap

I

Masakit na ang mga tuhod.

Ngalay na sa pagluhod.

Nagmamakaawa na mahalin.

Nakikiusap na ako pa rin.

    

    

II

Nangangakong tatanggapin

Kung ikaw ay babalik sa akin.

Sakit ng nakaraan ay 'di iindahin.

Tingin mo sa kanya ay 'di papansinin.

    

   

III

Pakiusap, o aking sinta

Ikaw ay bumalik na.

Maghihintay hanggang sa huli

Handang mahalin kang muli.

    

   

IV

Walang maririnig ni isang sumbat.

Ako'y mananatili sa'yong tabi sapagkat,

Ikaw ang lahat-lahat para sa akin.

Laman ng puso'y mananatiling ikaw pa rin.

   

   

V

Pakiusap mahalin mo ulit ako.

Walang pakialam kung gaguhin mo ulit ako.

Alam kong nagmumukha na akong tanga

Ngunit sobra kang mahal nitong tanga.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon