#49 - Suko

1.1K 28 0
                                    

#49 - Suko

I

Nang malaman mo ang aking nararamdaman,

Bigla ka na lang nagbago at 'di na magparamdam.

Kahit na bigla-bigla ka na lang nagbago,

Hindi, hindi ako susuko.

      

      

II

Hindi na tayo nagkakasama at nakakapag-usap.

Ni- "Hi." o "Ho" wala at mistula na lang isang pangarap.

Para bang ang lahat ay isang panaginip lang pero

Hindi, hindi ako susuko.

     

    

III

Balita ko may iba kang mahal.

Sa buhay mo, unti-unti na akong natatanggal.

Kahit sobrang sakit na ng mga ginagawa mo

Hindi, hindi ako susuko.

      

      

IV

Bigla ka na lang umalis nang wala namang sinasabi

Kahit na naghihintay lang naman ako rito sa tabi.

Handa akong maghintay sa pagbalik mo, mahal ko.

Hindi, hindi ako susuko.

      

       

V

Isang araw, ang ating landas ay muling nagtagpo.

Lubos ko iyong ikinatuwa, inaamin ko.

Masaya ka na kasama siya, na ikinapatak ng luha ko.

Sige, suko na ako.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon