#97 - Adriel
I
Minsan napapatanong ako
Kung ikaw ba talaga ay totoo.
Sapagkat hindi ko lubos maintindihan
Ang rason sa likod ng iyong kabaitan.
II
Nabubuhay ako sa iyong ngiting natatanaw
Na para bang mirasol na tinatangi ang araw.
Napapapikit sa iyong boses na marahan
Mistulang isang hele, at nagbibigay kaginhawaan.
III
Kahanga-hanga kung paano ka mag-isip.
'Di mapigilang mula rito sa sulok ay sumilip.
Sa umaga, ikaw ang aking nasa isip.
Sa gabi, ikaw ang laman ng aking panaginip.
IV
Napakasaya na sana ng buong taon
Ngunit ang nararamdaman ay dapat nang ibaon.
Katulad ng iba, hindi ako ang gusto mo.
Hindi ako ang dahilan ng mga ngiti mo.
V
Napatulala na lang sa kulay kahel na langit.
Iniisip kung bakit ang pag-ibig ay napakalupit.
Masyado na naman akong umasang maibabalik
Ang klase ng pagmamahal na nakapapanabik.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...
