#19 - Laro

2.2K 56 2
                                    

#19 - Laro

I

Tagu-taguan tayo.

Ikaw ang taya, at ako'y hanapin mo.

Patuloy kong itatago

Tunay na nararamdaman ko.

  
   
II

Habulan tayo.

Ako ang taya, at ikaw ang hahabulin ko.

Sa huli, napatigil ako sa paghabol.

Nakakapagod pala talagang maghabol.

 
   
III

Mag-luksong tinik tayo.

Ikaw ang tinik, at ako ang lulukso.

Sa pagtaas, ako ay nahulog sa'yo

Pero bakit ang sumakit, ay aking puso?

  
  
IV

Kunwa-kunwarian tayo.

Ito ang paborito kong laro

Kasi masayang laruin ito.

Kunwari kasi 'Tayo.'

   
   
V

Bato-bato-pik tayo.

Ikaw ang gunting, papel ang puso ko.

Unti-unti itong nagkapira-piraso

Hanggang sa naging bato na ito.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon